Kabanata 17

24 4 0
                                    

Umaga na nang makarating ako sa Korea. Isa ito sa mga pinapangarap ko lamang noon na bansang mapuntahan. Wala akong ideya kung paano ko mababayaran si Addy sa lahat ng ginastos niya para rito. Dala na naman ng pagkadala ko sa emosyon ko, dinala ako ng himpapawid dito. Panandalian kong iniwan ang lahat sa Pilipinas.

"Dapat sa Bohol na lang pala ako nagpa-book! Ang tanga mo, Paige!" wika ko habang pinupukpok ang ulo ko.

Ewan ko ba at nawala sa isip kong dapat sa Bohol na lang ako nagpa-book ng flight. Bukod sa mas mura ay makikita ko na si Mama sa wakas. Sa kasamaang palad, hindi iyon ang nangyari. Nakontrol na naman ako ng pabugso-bugso kong emosyon. Ilang araw lang ang itatagal ko rito.

Hindi man lang ako nakapaghanda nang maayos. Ang maleta ko ay halatang minadaling inayos. Gulo-gulo pa ang mga laman nito. Napahiga ako sa malambot na kama ng hotel room ko at napaisip sa nangyari kagabi.

"Paige, s-s-sigurado ka ba diyan?" natatakot na bulong ni Addy habang binu-book niya ako ng flight sa phone niya.

Nanginginig ako sa paghahalo ng emosyon ko. Galit, sakit, at pagtataka. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtama nito sa puso ko. Tumango ako. Pakiramdam ko'y wala ako sa sarili dahil tuluyan na akong nakain ng emosyon ko.

"Tangina!" bulalas ko habang unti-unting tumatakas ang luha sa mga mata ko.

"Na-book ko na, Paige." kabadong sagot ni Addy. "Malalagot ako kay Chaos nito!"

After that, she rapidly explained to me everything. Noong madaling araw ding iyon ang alis ko. Mabuti na lamang at tinulungan niya akong mag-impake. Hindi ko na rin ginising at ipinaalam kay Zael dahil halatang pagod na pagod siya.

Nasapo ko ang ulo ko. What a decision, Paige. Isa na namang pagkakamali itong pagpunta mo ng Korea!

Para naman hindi masayang ang biglaang punta ko rito, lumabas muna ako ng Nine Tree Premium Hotel. Suot suot ang maroon kong double breasted trench coat, binaybay ko ang kahabaan ng Myeongdong Street. Kasalukuyan akong nagtitingin ng Maps sa cellphone ko nang makatanggap ako ng tawag.

Jezrael Buenavista calling...

I answered it.

"Are you crazy?!" rinig kong bulalas ni Zael sa kabilang linya.

"I-I'm just flustered right now. Kailangan ko munang huminga." pinipigilan ko ang pag-iyak ko lalo na't nasa publikong lugar ako ngayon.

"You left Korea without even telling me? At mag-isa pa? Sobra kaming nag-aalala sa'yo ni Addy!"

"Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam na napagsinungalingan at niloko, Zael. Imagine your most trusted half-brother sold me to a man who belongs to a high status. 'Yung lahat ng pag-aalipusta sa akin ng pamilya ko, kaya ko pa, e. Pero ang maloko? H-hindi." tuloy tuloy kong sabi at iyon ang dahilan para manahimik kami nang ilang segundo.

"Just don't let your emotions drive you too much, okay? Enjoy your stay, Paige." wika niya. "Hinahanap ka rin pala ni Chaos. Sobrang galit siya ngayon."

Hindi ko na kinaya at ibinaba ko na ang tawag. Nakuha niya pa talaga akong hanapin kahit siya ang nagsinungaling sa akin. Mali, hindi siya, kundi sila. I shut my own tears back to my eyes. Why do my most trusted ones had to fool me like that? Ganoon na lang ba talaga ako kahina para gawin nila iyon?

Naglakad-lakad ako. Marami akong nadaanang mga bilihan kaya naisipan kong mag-window shopping. Hindi ko na inabala pa si Addy para sa salaping gagastusin ko rito. What I have right now is just an exact amount, sarili ko pang pera. Hindi naman ang pag-aaliw ang pagpunta ko rito kundi ang huminga. Kung pwede nga lang na huwag nang bumalik, ginawa ko na.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon