Nagising na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Mama. Nahihilo man, sinagot ko ito at itinapat sa aking tainga.
"Hello, ma?"
"Anak, kamusta naman ang naging kaarawan mo? Mukhang nakainom ka nang marami?"
"Hindi po pero sobrang sakit ng ulo ko, Ma!"
"U-uhm... uhm... Kaunting buwan na lang at makakauwi na ako diyan, anak."
"Puwede naman kasing ako na lang ang magtrabaho, Ma. Tapos ikaw ang maiiwan dito sa bahay. Ang mahalaga, magkasama tayo."
"Kung puwede nga lang, nak..."
Bakas ang takot sa boses ni Mama kaya nang matapos ang tawag, agad akong nagtipa ng mensahe sa kanya.
Me:
Mama, kamusta ka po? Sana'y alagaan niyo po ang sarili niyo. Mag-aaral po akong mabuti at susubukan ko na rin pong maghanap ng part-time para hindi ka masyadong mahirapan sa panggastos diyan.
Tuluyan na akong bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin. I looked so fucked up. Ang suot ko ay iyong suot ko pa kagabi ngunit ang ipinagtataka ko, mabango ako na para bang bagong ligo. Pilit kong inaalala ang nangyari sa akin kagabi. Nang makita ko ang isang nakadikit na post-it note sa salamin ko.
Wash up when you wake up. I also ordered food for you, nasa kitchen table mo na. You were so drunk even you only had one drink. Don't drink next time.
C.
Nagtaka ako sa nakita ko. But then all the memories became so suddenly vivid to me.
"Tangina, Paige!" nagtatalon talon ako nang mapagtagpi-tagpi ang mga nangyari.
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang mga text message. Tama ang aking hinala sapagkat punong-puno ito ng mga mensahe nina Addy at Zael.
Zael:
Hoy, nasaan ka?
Addy:
Paige Michaela Suarez, where the fuck are you?
Zael:
Totoo bang may inuwi kang lalaki?
Addy:
Bitch, the man you just brought home is Chaos!
Zael:
Bakit 'yung gurang na 'yun pa!
Addy:
The greatest Artemis Chaos Agramonte! Hoy! Don't tell me isinuko mo sa kanya?
Zael:
Patay ka sa akin, Paige Michaela!
Nasapo ko ang ulo ko nang mabasa ang lahat ng iyon. What the actual fuck just happened to me? Ibinaon ko ang ulo ko sa mga unan habang inaalala ang nangyari.
"Let's just do it." sambit ko sa lalaking nasa harap ko.
"What the fuck?" nagtaka siya at muling ibinalik sa bulsa niya ang panyo niya.
"Just take me and my friend home, can you?"
Binabalot pa rin ng pagkahilo ang buong katawan ko. Pakiramdam ko'y umiikot ang mundo ko. Nakita ko na lamang ang pagtango niya. Sa abot ng kanyang makakayang maging maingat, nauna niyang binuhat si Addy palabas. Ilang segundo ay bumalik naman siya sa akin upang buhatin ako papunta sa kanyang puting Land Cruiser.
Itinuro ko sa kanya ang mansyon nina Addy. Nang makarating kami roon, kahit hilong-hilo ay inihatid ko si Addy sa kanila. Ang mga kasambahay ang umalalay sa kaniya papasok dahil wala raw ang mag-asawang Montegana. Sumakay ako muli sa passenger seat ng sasakyan ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.