"Tangina!" sigaw ni Denver habang naglalakad-lakad sa harap ko.
"Ano ba kasi nangyari du'n sa asawa mo at muntik nang makunan!" inis na inis na sabi ni Zael.
Isinugod si Addy sa ospital kagabi. Madaling araw na at nasa pangangalaga pa rin siya ng mga doktor. Alas dos na ng madaling araw ngunit hinintay pa rin naming ilabas si Addy. Inilabas ko ang aking cellphone para tawagan si Chaos.
"Hindi pa rin ayos si Addy?" bakas din ang pag-aalala sa boses ni Chaos.
"Iniintay pa namin, e." sabi ko. "Kamusta pala si Theus?"
"Pinatulog ko na. Anong oras ka uuwi?"
"Hindi ko pa sigurado, e. Ite-text kita, ha?"
"Okay, babe. Susunduin kita d'yan."
"I love you."
Iyon ang huli kong sinabi bago ko ibinaba ang tawag. Bahagya na akong inaantok pero hindi ko maiwasang mag-alala kay Addy.
Limang buwan na rin simula noong kaarawan ni Theus at noong nakapasa ako ng board exams. Ang dami na ring nangyari pagkatapos noon. Ilang linggo matapos iyon, nakuha ko na ang lisensya ko at nakapag-apply na rin ng trabaho bilang isang psychometrician sa sikat na diagnostic center sa Maynila. Sa wakas ay natupad ko na rin ang pangarap ko. Habang nagsisimula sa mababang posisyon, unti-unti kong aakyatin ang tuktok.
"Nakalimutan yatang buntis siya, nakipag-inuman sa mga kasama sa trabaho!"
Naputol ang pag-iisip ko nang magsimulang sumigaw na naman si Denver. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng galit niya. Sino ba namang matutuwa kung malalaman mong ang asawa mo ay nakalimutan buntis siya at nakainom pa?
Habang naghihintay, nagtungo na lamang kaming tatlo sa kantina ng hospital. Humigop muna kami ng mainit na kape para naman kumalma kahit papaano si Denver.
"Kalma, pre, mamaya na natin pagalitan ang asawa mo!" pagpapakalma ni Zael sa kaibigan niya.
Mas nauna pang nagpakasal sina Denver at Addy kaysa sa amin. Hindi ko alam kung ano pa bang gustong pag-aayos ni Chaos kaya tumatagal ang aming kasal. Maya maya ay hindi ko na kinaya ang pagod at antok. Agad na akong nagpasundo kay Chaos. Hindi ko rin namalayang nakatulog ako sa biyahe namin pauwi. Alas sais na ng umaga nang makarating kami sa bahay niya.
"Dito ka na muna matulog." wika niya habang sinusuklay ang buhok ko.
Pagpasok ko sa loob ay humilata agad ako sa sofa. Hindi na yata ako sanay na mawalan ng sapat na tulog. Pakiramdam ko ay nanibago lamang ako kaya ganitong klaseng pagod ang nararamdaman ko. Nagulantang ako nang daganan ako ni Chaos.
"Tangina, ang bigat mo!" I shouted at him.
Pilit ko siyang inilalaglag mula sa pagkakahiga sa ibabaw ko. Labis ang inis ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Natutuwa siguro siyang hindi ko kayang tapatan ang malalakas niyang mga bisig. Imbis na umalis ng sofa, mabilis niyang inilipat ang aming puwesto. Sa isang galaw niya lang ay ganap na nagkapalit kami. Ako na ngayon ang nakadagan sa ibabaw niya.
He folded his well-built arms around me.
"I love you." iyon na lamang ang tangi kong nasabi. "May plano ka pa bang pakasalan ako, ha?"
"Kahit araw-araw pa." he chuckled and even pulled me closer to him.
Instead of feeling uncomfortable, I suddenly felt safe in his arms. Sa ganito pa lang ay parang nasa langit na ang pakiramdam ko. Sa piling niya, ligtas kami ni Theus at walang sino man ang makakapagpahamak sa amin.
"Ulol, kaya mo akong pakasalan araw-araw?" wika ko at tuluyan nang sumandal sa dibdib niya.
"Yes, I'll court you everyday, too." bulong niya.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.