Pagkatapos ng lunch break, naghanda na ang mga estudyanteng kasama sa sports competitions na inihanda para sa araw na ito. Dahil wala naman akong sinalihang sports at sapat na ang mga taong magbabantay sa Psychology Booth, sinamahan ko na lang si Zael sa school gymnasium.
"Sayang talaga, wala si Addy dito!" panghihinayang ni Zael habang naghahanda para sa basketball competition ng Intramurals namin.
Nanahimik na lang ako dahil hindi mawala sa isip kong idinawit ko ang pangalan niya kay Chaos. Paniguradong masasapak ako nito, oras na malaman niyang siya ang itinuro kong ama ng anak ko! Ngumiti na lamang ako sa kanya.
"A-anong kurso ba ang kalaban niyo ngayon?" tanong ko.
Humarap siya sa akin habang isinusuot ang headband niya. "Chemical Engineering. Paniguradong kasali roon ang mga tropa ko!"
Ilang sandali kaming nanahimik habang siya naman ay inaayos na ang kanyang pulang jersey. Rinig na rinig sa gymnasium ang ingay ng mga chant mula sa iba't ibang kurso. Ang basketball kasi ay ang unang sports na gaganapin sa araw na ito. Kasabay nito ang badminton, swimming, at table tennis na gaganapin sa iba't ibang pook dito sa unibersidad.
Nang mag-anunsyo na ang announcer bilang hudyat ng pagsisimula, naghanda na ang dalawang teams. Ang pulang jersey ay nagsisimbolo sa Psychology habang ang itim na jersey naman ay sa Chemical Engineering. Umupo na ako sa pinakaitaas na bleachers. Ramdam ko ang sikip sapagkat halos narito lahat ng mga estudyante ng kalahok na mga kurso. Baka himatayin ako sa init nito!
"Sikolohiya! Sikolohiya! Oh, i-shoot mo na ang ball!" bahagyang natawa ako sa cheer ng Psychology. Ihinango ba naman ito sa theme song ng Goin' Bulilit!
Nagsilakasan na ang mga chant ng dalawang kurso nang lumakad na sa gitna ang dalawang team.
"Ang daming gwapo!" sigaw nung isa.
Sa kalagitnaan pa lamang ng third quarter ay mas naging mainit na ang labanan. Kahit pa nangunguna ang iskor ng Psychology, maliit lang ang agwat nito sa Chemical Engineering. Nakakagat ako sa aking labi dahil pati ako'y nakakaramdam ng pressure sa puntong ito! Kitang-kita ko rin ang determinasyon sa galaw at pagmumukha ni Zael. Pawis na pawis na rin siya habang naglalaro.
Lahat ay napatigil nang bumagsak si Zael mula sa pagkakabangga ng isang miyembro mula sa kabilang team. Ang ilan ay napasigaw. Nang ilang segundo na siyang hindi bumabangon, hindi na ako nag-atubiling lapitan siya. Sakto rin at nagpatawag ng Timeout ang team namin. Nang malapitan ko siya ay sumunod din sa akin ang mga ka-team niya. Nakita kong hawak-hawak niya ang tuhod niya. Sa pagkakaalala ko, iyon ang tumama sa sahig nang bumagsak siya.
Ang kanilang coach ay ang nag-administro ng tamang gagawin sa kanyang tuhod. Ako naman ay nakaluhod lamang kaharap siya. Nang dumilat siyang muli at nakita ako, nagliwanang ang mukha niya.
"Tangina, abangan nga natin 'yun sa labas!"
"Hindi nga tinawagan ng foul, e!"
"Na-injure tuloy ang star player ng Psych!"
Narinig ko ang iba't ibang komento ng mga ka-team niya habang nag-iintay matapos ang first aid na ginagawa ng kanilang coach.
"Is that her girlfriend?"
"Akin 'yang si Buenavista! That bitch!"
"Ang daya! Ni hindi nga masyadong namamansin ng ibang babae iyang si Jezrael! Tapos ngayon, may babaeng lumapit sa kanya!"
"Jowa niya pala 'yung star player, pre. Sayang."
"Ganda pa naman no'n, boy!"
Iba't iba rin ang komentong narinig ko mula sa mga nanonood. Jusko, inyong-inyo na itong kaibigan ko. Isa pa, wala akong interes magkaroon ng boyfriend, ano! Nagkaanak na nga ako nang wala sa oras, e!
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.