Kabanata 3

45 4 0
                                    

Inilagay ko na lamang nang maayos ang mga libro pati na rin ang bouquet sa study table ko. Maya maya ay susunduin ako nina Addy upang magtungo sa bar na hindi kalayuan dito sa Maynila. Sa kaisipang iyon, nagmadali na akong tapusin lahat ng proyekto ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo, nahirapan pa akong mamili ng damit dahil first time kong pumunta sa lugar na ganoon! 

Nagsuot na lamang ako ng sleeveless black velvet dress na pinarisan ko naman ng white stilettos. Habang hinihintay ang aking mga kaibigan, naglagay ako ng kaunting makeup sa aking mukha. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko sa akiny buhok ay nakarinig ako ng tawag mula sa labas. Nagmadali na ako at isinara ang pinto ng bahay.

Biglang napaawang ang mga labi ni Addy at Zael nang makita ako.

"Ang ganda mo!" kinikilig na wika ni Addy at inaya na akong sumakay sa loob ng van nila. Nasa loob din si Zael na nananatili ang mata sa akin.

Habang nasa biyahe ay napansin ko ang kanilang kasuotan. Zael was wearing his usual white sando at khaki shorts but he still looked great. Ang kabogerang si Addy naman ay nakasuot ng pink bralette at fitted white palda. My friends really look good though.

"Ang ganda mo pala talaga kapag naaayusan, ano?" sambit ni Zael.

I must admit that I have the looks, indeed. Nakuha ko ito kay Mama sapagkat ang tatay niya ay isang Spanish. My skin is fairly whie while my facial structure says it all. A Spanish-Filipino combination.

Napangiti na lamang ako kay Zael. Ilang minutong naging tahimik ang atmospera sa loob ng van. Walang ano ano'y biglang tumugtog ang kanta ng maligayang kaarawan.

"Happy Birthday, Paige!" bati nilang dalawa habang dala-dala ang dalawang paper bag.

"Thank you!" emosyonal kong tugon habang pilit na inaabot ang hawak na regalo ni Zael mula sa likod namin.

"Kaya bahagyang na-late kami ni Zael sa pagsundo sa'yo!" inabot naman ni Addy ang regalo niya.

Tumingin ako sa kanilang dalawa nang punong-puno ng sinseridad. Muli kong napagtantong biyaya ang mga taong ito sa buhay ko dahil kung wala sila, hindi ko alam kung paano ko maipagpapatuloy ang buhay ko sa kolehiyo. Iba pa rin talaga ang may kaibigang nasasandalan. Sila ay ang madalas pumoprotekta sa akin sa tuwing pinapaalala ng ibang tao ang madilim kong nakaraan.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Wasted. Iyon ang pangalan ng bar na pinuntahan namin. Ipinarada ng driver ni Addy ang van habang tuloy tuloy na kaming pumasok sa loob.

Madilim at maingay. Iyon lamang ang nasabi ko sa aking sarili pagpasok ng bar. Hindi ko maiwasang matuwa sa aking nakikita. Ngayon lang yata ako nagkaroon ng maayos na selebrasyon sa aking kaarawan, sa totoo lang.

Ang mga nakaraang kaarawan ko ay nagmistulang ordinaryong araw lamang. Ito ay dahil nasa bingit pa ng kapahamakan ang buhay namin ni Mama. Nanahimik kami ni Mama nang ilang taon matapos mangyari ang pagkamatay ni Miss Erianne. Sa kadahilanang lahat ng daliri ay nakaturo sa akin sa krimen, hindi rin naging madali ang buhay ko bago pa man ako maka-graduate ng Senior High School. Sa kabila ng masalimuot na sitwasyon, napagtagumpayan ko pa rin namang maging highest honor sa batch na iyon.

Nagsisilaban ang iba't ibang kulay ng ilaw sa loob. Kasabay nito ang malakas na tugtugan pati ang mga taong nagsasayawan at nag-iinuman. Nagtungo kami sa isang bakanteng table at doon naupo. May lumapit na waiter at kaagad iginawad ni Addy ang aming order.

"Anong inorder mo?" tanong ni Zael.

"Ako na bahala! Chill lang kayo d'yan!" wika ni Addy.

Maya maya ay may lumapit na grupo ng mga lalaki sa direksyon namin. Nakipag-high five ang lahat ng iyon kay Zael.

"Tol, pakilala mo naman kami!" biro ng isa.

"Auto pass, tol! Hindi pwedeng kung sino-sino lang mapunta sa mga 'to!" sabay turo sa amin. "Doon, maraming babae sa main lounge!"

Nagsitawanan naman sila.

"Eh ikaw nga ang tipo!" tinitigang mabuti ni Addy ang mga babaeng ngayon ay nakatitig din kay Zael.

"Heto si Juan Adrian, Rupert, Denver, at Yeriel, mga kaibigan ko noong high school." pilit na pagpapakilala ni Zael sa kanyang mga kaibigan. "Si Addy at si Paige."

Naglahad naman sila ng kamay at isa isa ko rin silang kinamayan. Mukha naman silang mababait. Paniguradong kaugali rin nitong kaibigan kong si Zael. Nagkamabutihan naman ang magtropa kung kaya't iniwan muna kami ni Zael sa table.

The bartender served our drinks at sa amoy pa lang nito, mukhang mapapalaban ako. Ibinigay naman sa akin ni Addy ang isa pang wineglass. Inalog ko ito at sinuri ang kulay asul na likidong nasa loob nito. Napapikit na lamang ako lalo na't wala naman akong gaanong alam sa ganito.

"Blue martini for the birthday girl!" isang malakas na tawa ang iginawad ni Addy habang iwinagayway pa ang wineglass. "Cheers, amiga!"

Lumagok ako ng kaunting Blue Martini. Hindi ko pa man nauubos ito ay namalayan kong nakailan na si Addy. Siya ngayon ay kung ano-ano na ang sinasabi. Paniguradong hindi lang Blue Martini ang tinira nitong babaeng ito sa estado niya ngayon.

Sa kondisyong ito ni Addy, tinawagan ko si Zael. Luminga-linga ako ngunit wala ni bakas ni Zael ang nakikita ko. Nang hindi niya sinasagot ang tawag ko, tumayo ako para maghanap. Sa pagtingin ko sa paligid ko ay bigla na lamang ako nakaramdam ng pagkahilo. Mula sa maingay na atmospera ay narinig ko ang mga palahaw at paratang ng mga Suarez sa akin noong gabing iyon. Hindi ako makagalaw nang maayos dahil wala akong ibang naririnig kundi iyon. Tila ba binabalot nito ang sistema ko. Hindi pa rin talaga ako nilulubayan ng nakaraan ko. Kahit anong pilit kong kalimutan ay para bang may puwang na ito sa puso ko. Kung paano ako pinaratangang kriminal at kung paano nito sinira ang buhay ko.

Napasinghap na lamang ako nang may halik na bumungad sa aking leeg. Bumalik ako sa wisyo at pilit itinutulak ang lalaking sumulpot na lamang kung saan. Hindi ko malabanan ang lakas niya at patuloy niya akong hinahalikan sa leeg hanggang sa isang tadyak mula sa gilid ang natanggap niya. Bumagsak siya sa sahig sa lakas na iyon.

Binalingan ko ng tingin ang lalaking gumawa noon at isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. Sigurado akong ito ang lalaking nakilala ko noong pagdiriwang ng pagkapanalo noon ng dating mayor na aking ama. Ang pagkakaiba lamang ay mas tumangkad siya at lumaki ang kanyang pangangatawan.

Nakasuot siya ngayon ng puting polo at ang tatlong butones nito ay nakababa. Kitang kita ang kanyang makinis na leeg pati na rin ang gintong kuwintas na nakabalot dito. Gulong-gulo rin ang kanyang buhok habang ang titig nito ay nanatili sa akin. Madali kong nakabisa ang kanyang mukha.

Napaluha na lamang ako sa bilis ng pangyayari. I almost got raped. Wala na bang matinong mangyayari sa aking buhay? Inalalayan niya ako pabalik sa puwesto ko kanina. Bahagya akong nagtaka kung paano niya nalaman ito.

"S-salamat." nauutal kong sambit.

Ilang ulit ko itong sinabi nang mapansing ang kanyang titig ay nanatili lang sa aking leeg habang siya naman ay nakatayo sa harap ko.

"Pipi ka ba?" malambot kong tanong kahit bahagya itong may pagka-sarkastiko. "Salamat, kako."

Wala akong ideya kung bakit kanina pa siya nakatitig sa leeg ko. Nalinawan ako nang maglabas siya ng panyo at banayad na pinunasan ang leeg ko. Amoy hotel ang panyong iyon. Habang ginagawa niya iyon ay nanatili ang tingin ko sa baba.

Ramdam ko ang hilo sa aking sistema.  Naliliyo ako sa dahilang hindi ko alam kung ano. Napatingin na lamang ako kay Addy na ngayon ay nakatulog na. Wala na akong ideya sa sumunod pang nangyari.

Iilang sambit na salita lang ang naalala ko.

"Let's just do it."

The next thing I knew, I was already doomed.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon