Kabanata 27

14 3 0
                                    

Another song attached hehe. Please listen to it while reading. It brings out the 'feels' of the last part of this chapter.

Sa kabila ng madilim na paligid ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Chaos sa likod ko. Alam kong siya iyon. Ilang segundo pa bago bumalik ang kuryente at kumalma ang mga tao. Kaagad din namang bumalik sa normal pagkatapos ng naganap na brownout. Ang kaibahan nga lang, si Chaos ay nasa katabi ko na.

"Kaloka!" hindi pa rin matapos-tapos sa pagkomento si Ate Renee sa nangyari.

"Nasaan si Theus?" inilapit ko ang sarili ko kay Chaos para bumulong.

"Karga pa rin ni Papa." malamig na sagot niya.

Marami pang seremonyas ang nangyari dahil isa-isa pang ipinakilala ang mga namumuno sa mga telecommunication company na naririto. Nakakaramdam na ako ng antok ngunit hindi ko magawang matulog dito. Hindi ko na mabilang ang ilang beses kong paghikab habang nagaganap ang inihandang programa. Sa kalagitnaan ng pag-aanunsyo ng mga nanalo sa raffle, tumayo si Chaos mula sa pagkakaupo niya at nagpaalam sa mga kasama namin sa mesa. Inakala kong pupunta lang siya ng palikuran pero isinama niya ako palabas.

"Bakit ba?!" iritado kong tanong at matagumpay na naialis sa akin ang mahigpit na pagkakahawak niya.

Hindi na siya nagsalita imbis ay dinala ako sa mas madilim pang lugar. Sa kalaliman ng gabi, kitang-kita ang kulay ng aming kasuotan. Ang aking gown naman ay makislap na kumikinang sa kabila ng dilim. Sa nakikita ko ngayon, ang mga mata ni Chaos ay nabalot ng misteryo. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang gawin o sabihin.

Hinawakan niya ang magkabila kong panga at sinimulan akong halikan. Litong-lito man sa biglaan niyang paghalik, tuluyan na akong natuliro sa kanyang ginagawa. Saglit kaming napatigil upang huminga. Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang bilang suporta. Mas lumalim ang kanyang mga halik nang marahas niya akong inilapit pa sa kanya.

"I love you." ang tangi kong nasabi pagkatapos ng nangyari.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry, I missed your kisses so bad."

"Halik ko lang?" maarte kong tanong at humalukipkip pa.

"Everything, babe. Every single thing about you." wika niya. "So don't ever try to run away from me again. Magmula ngayon, ako na ang kasama mo sa lahat."

That spoke volume to me. My response was to hug him as tight as I can. Loving him the hardest way is the only thing on my mind right now.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bukod sa pagiging kabado sa resulta ng board exams, naging abala rin kami ni Chaos sa iba't ibang bagay. Nagsimula na rin kaming maghanda para sa ikaapat na kaarawan ni Theus na gaganapin sa susunod na buwan. Dahil unang beses kong maghahanda sa isang malaking pagdiriwang, hindi ko maiwasang kabahan. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagiging isang ina na.

"Mama, kinakabahan at excited ako para sa birthday party ni Theus." kwento ko kay Mama habang sabay kaming nanonood ng teleserye.

"Ganyan talaga. Hindi naman kasi tayo ganyan kalaki maghanda sa birthday ng apo ko sa Aklan, 'di ba? Tiyak matutuwa ang anak mo!" wika niya habang tutok pa rin sa pinapanood. "Anong oras ba ang lakad niyo ni Chaos?"

Muling nagbalik sa akin ang mga alaala namin sa Aklan. Tama si Mama, sa simpleng salu-salo lang nasanay si Theus tuwing kaarawan niya. Iniimbita lang namin ang ilan sa kanyang mga kalaro para kumain. Kadalasan, ang mga handa naming pagkain noon ay iilan lang din. Ito ay ang literal na unang beses na magkakaroon ng engrandeng pagdiriwang si Theus. Sana ay matuwa siya.

Sa tanong ni Mama, kaagad pumasok sa isip ko ang lakad namin ni Chaos. Pagtingin ko sa wall clock, alas otso na pala ng umaga! Sa pagkakaalala ko ay 9 AM ang usapan namin ni Chaos para kumpletuhin ang checklist namin sa birthday party ni Theus. Nagmadali na ako sa paghahanda pati ang panonood ng paborito kong teleserye ay ipinalampas ko na.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon