Kindly listen to the attached song while reading. Enjoy!
"Ga-graduate na ang anak ko bukas!" pagmamayabang ni Mama habang pinapaypayan ang mga tinda niyang kakanin sa labas.
Lumabas ako nang marinig ko iyon. Kasabay ko ring lumabas si Theus na ngayon ay tumakbo papunta kay Mama. Kinarga siya ni Mama habang nagtitinda.
"Ma, akalain mo 'yun, graduate na ako bukas!" ngumiti ako sa kanya.
"Ang dami mong pinagdaanan, nak, pero nalagpasan mo lahat ng 'yun." seryoso niyang sagot.
"Nalagpasan ko lahat ng iyon dahil kasama kita, Mama." niyakap ko siya.
"Sali!" sigaw ni Theus at isinali namin kaagad siya sa yakapan.
Back then, everything was a total blur to me. Three years already passed and all I can say was, I'm already totally healed from my past. It comes back every now and then but that doesn't stop me from what I'm trying to become.
Nakatulong din ang paglipat namin ni Mama sa probinsya namin para makalimutan ang mapait na nakaraang itinadhana sa amin. Sa Aklan, itinuloy ko ang pag-aaral ko ng sikolohiya. Hindi rin naging madali ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Libre man ang tuition fee, kailangan ko ring buhayin si Theus habang nag-aaral ako. Tumulong naman si Mama sa gastusin sa pamamagitan ng pagbebenta ng kakanin sa labas ng bahay.
"Theus, tulog na tayo, dali!" aya ko kay Theus at sabay kaming humiga sa kama.
"Mama, labyu!" niyakap ako ng anak ko habang nakahiga kami.
Ilang minuto ay nakatulog na siya habang nakayakap sa akin. Habang lumalaki si Theus ay mas dumedepina ang mga parte ng mukha niya. Tunay ngang namana niya ang kulay ko dahil parehas kami ng estado ng kaputian ngayon. Napangiti na lamang ako.
"Anak!" nagulantang ako nang pumasok si Mama sa kwarto. "May pumakyaw na naman ng kakanin ko!"
Iwinagayway niya pa sa akin ang salaping hawak niya. Napapansin kong madalas may namamakyaw ng paninda ni Mama. Kaya labis ang saya ni Mama dahil puwede na siyang magpahinga. Tumabi siya sa amin.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang sarili kong nag-iimpake sa luma naming bahay. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong narito na naman ako sa panaginip na ito. Ito ay ang araw nang malaman kong ang ina ng taong mahal ko ang may kagagawan ng lahat. Halos araw araw akong binabangungot ng araw na iyon pero sabi ko nga kanina, hindi ko hayaang kainin ako ng alaalang ito.
"Mama, umalis na tayo rito!" labis na poot ang nananaig sa akin habang iniimpake lahat ng damit na puwede naming maiuwi sa Aklan.
Ilang araw na simula nang malaman ko ang katotohanan. Si Tita Centia ay ang may kagagawan ng lahat. Siya ang pumatay kay Miss Erianna kasabay ang imahe ko sa buhay ko. I was really trying to cope up with everything but it all fell down. Kahit pa napakasakit ng nalaman ko, para akong nabunutan ng malaking tinik. Dahil sa wakas, nasagot na ang katanungang araw-araw kong tinatanong sa loob ng tatlong taon. Sa wakas, inosente na ako. I'm free from this endlessly fiery pit that I thought I'd never get up.
Habang nasa biyahe kami patungong Aklan ay ikinuwento sa akin ni Mama ang bawat nangyari. Ipinaintindi niya sa akin kung bakit hindi niya ito piniling sabihin sa akin. Kahit pa ikamatay ni Mama ay mas pipiliin niya pa ring protektahan ako. Sobra na akong naiiyak.
"June 19, 2018 iyon, anak." pilit na sinasariwa ni Mama ang mapait na nangyari noong araw na iyon. "Party ng Papa mo, diba? Pumunta ako ng gabing iyon kaso hanggang gate lang. Nag-aalala kasi ako sayo, diba tinawagan mo ako noon? Dapat hindi ako papasok sa loob kaso nalaman ko ang masamang plano ni Miss Centia sa sarili niyang kapatid. Balak niya itong patayin dahil sa labis na inggit. Isa pa, narinig ko rin kasing kay Miss Erianna mapupunta ang last will ng namatay nilang ama sa Amerika."
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.