"Are you okay?" alalang wika ni Chaos habang inaayos ang buhok ko.
Nakauwi na kami sa bahay matapos ang insidenteng iyon. Ramdam ko pa rin ang takot sa sistema ko. Pakiramdam ko ay nagmarka ang kamay niya sa dibdib ko. Inihiga ako ni Chaos sa sofa at umupo naman siya sa dulo nito. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tumingin sa akin nang may sinseridad.
"I-I'm sorry. I didn't tell you that I was about to go to my pa—" napatigil ako sa pagsasalita nang takpan niya ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay.
"Ssshh, it's alright." tugon niya. "But I'm mad, though. Bakit 'di mo sinabing naroon ka?"
"How did you find me, anyway?" pagsasalita kong muli.
"Hilig mo talagang sumagot ng tanong sa tanong ko, 'no?" he chuckled for a second.
Kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita ang screen sa harap ko.
Andres:
Bro, I saw your bb here. I'll email you the location. Dito pala siya nagta-trabaho?
Chaos:
Papunta na ako. Anong bb?
Andres:
Baby mong buntis XD
Napangiti ako nang bahagya sa pagkakakita ko roon sa pag-uusap nila. Si Andres ay isa sa mga kaibigan ni Chaos na kilala ko.
"So I'm your bb now, huh?" wika ko sabay himas sa tiyan ko.
"I think so?" he caressed my face.
I immediately reached him for a subtle kiss. He was indeed caring for the past few months that I've been here in his place. Hindi ko na inalala kung ginagawa niya lang ba iyon para sa bata. Basta ang alam ko, pagmamahal ang naramdaman ko para sa kanya.
I slept well after that. Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil ngayon gaganapin ang outreach program ng Psychology students. Dahil malaki-laki ang naipong pera ng booth namin noong nakaraan, napagdesisyunan ng mga senior naming sa malaking ampunan namin ito idaos.
"Do you really think you can come?" tanong ni Chaos habang inaalalayan ako pababa ng hagdan.
"Buntis ako pero kaya ko naman!" pagpapaliwanag ko.
"It looks like I'm not coming to work again to accompany you." sagot niya nang makarating kami sa baba.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon!"
"Si Dad na nga mismo nagsabi na manatili muna ako sa bahay para maalagaan ka, e. CEO na 'yun, ha!" pagyayabang niya.
I rolled my eyes then looked at him sharply. Wala na akong nagawa.
"Fine."
Dala ang itim niyang Expedition, binaybay namin ang daan papuntang unibersidad. Doon muna magtitipon-tipon ang mga Psych students dahil aayusin pa ang mga dadalhing pagkain, laruan, damit, at iba pa. Nang makarating kami sa parking lot, nagpaalam na akong maglalakad patungong university lobby.
"Wait, babe!" napalingon muli ako sa likod nang sumunod sa akin si Chaos.
Damn, he is so hot. He was wearing denim blue pants, plain pink shirt, denim jacket, and his fine brown leather shoes. This guy even paired his outfit with black sunglasses and gold chain necklace! Bigla naman akong napatingin sa dala niyang tactical shoulder bag.
"Anong laman niyan? I didn't know you use bags?" napatanong ako.
"Bottles of water." matipid niyang sagot saka binuksan ang payong niyang dala at itinapat iyon sa amin. "You need to stay hydrated, you know?"
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.