PROLOGUE (REVISED)

61K 989 227
                                    

SIMULA ♥️

Alexis Shilloh

Twenty minutes na lang, makakauwi na ako. Usal ko sa aking sarili habang hinihintay ang oras ng aking labasan. Bakit ba ang higpit ni Prof. Salazar? Tapos na naman akong mag-exam, ayaw pa rin akog pauwiin. Napaka-strikto talaga nito pagdating sa oras.


Hindi ko alam kung bakit kanina pa akong hindi mapakali sa aking upuan, papihit pihit ako ng upo kanina pa, nakaka agaw na rin ako ng atensyon mula sa aking mga kaklase. Nakailang pukpok na rin si Prof ng ballpen nya sa ibabaw ng lamesa, halatang akoz ang sinasaway nito.

' Kumusta na kaya sina Lolo at Lola sa bahay?'

"Ms. Martinez" Tawag sa akin ni Prof.

"Y-yes po Prof?" kinakabahan kong sagot.

"Get your things, and proceed to the President's office." May pagtataka akong tiningnan ng buong klase, halos lahat ng tingin at nakatuon sa akin. "Continue answering the exam, students." Maarteng singhal ni Prof. Madali akong umalis, at tinungo ang naturang opisina ng Presidente. Nakatalikod ito at bahagyang nakaharap sa bintana na gawa sa isang makapal na salamin. Nakangiti itong humarap sa akin.

"Hija, tumawag si Naty, ang inyong mayordoma. Sumama na naman daw ang pakiramdam ng Lolo mo." Imporma ni Press sa akin na nagbigay kaba sa sistema ko. Family friend namin ang owner ng paaralang pinapasukan ko, kaibigan ang mga ito ni Lolo Rod.

"Tapos na naman ang klase mo diba?" magalang akong tumango. "Kung pwede sana ay umuwi ka muna. Ipahahatid na lang kita kay Bojo" si Bojo ay anak nitong part time instructor sa University. Pumayag na naman ako, at talagang sobra na ang pag-aalala ko kay Lolo. Sila na lang dalawa ni Lola ang tumayong mga magulang ko simula ng mamatay sa isang aksidente ang aking mga magulang nung akoy siyam na taong gulang pa lamang.

"Salamat po Sir, naabala ko pa po kayo." Magalang kong hinging paumanhin kay sir Bojo.

"Ano ka ba naman Shilloh, kuya Bojo na lang." reklamo nito, ayaw tala nitong magpatawag ng sir sa akin. "Hindi mo ako naabala, coz you are a family to us. Alagaan mo si Lolo Rod" bilin pa nito.

"Salamat talaga kuya." Saabi ko pa bago umibis palabas ng kotse nito.


Pagpasok ng bahay, ay patakbo kong tinahak ang hagdanan patungong second floor. May ilang metro pa ang layo ko sa kwarto ng aking abuelo ay naririnig ko na ang malakas at walang galang na pakikipag-usap ng aking pinsan na si Stacey sa mga matatanda.

"ANO!!!? Bakit ako? NO!! Hindi ako pumapayag dyan sa gusto nyo. Kung gusto nyo kayo na lang ang magpakasal, tutal konti na lang ang itatagal nyo sa mundo." Halos sumikip ang dibdib ko sa narinig. "At bakit ba ipagpipilitan nyo sa akin yan? Ngayon ko pa lang natatamasa nag sarap ng buhay, tapos gusto nyo na agad akong matali? NO FUCKING WAY!!!!" dahan- dahan akong pumasok sa loob ng kwarto. Masama akong tiningnan ni Stacey.


"Ayan, ang magaling nyong Apo. Ang santa ng pamilya. Bakit hindi iyan ang pilitin nyo. Tutal ulila na naman yan. Mas kailangan nya ng pamilya kesa sa akin" dinuro-duro ako nito habang nagsasalita. Ayoko itong patulan, dahil baka lalong sumama ang paliramdam ni Lolo.

"Stacey, hindi mo kailangang duru-duruin ang pinsan mo. Napakabastos mong babae ka." Kastigo dito ni Lola.


"Totoo naman ah. Sya lang naman palagi ang the best sa pamilyang ito. Sya ang palaging mabuti, sya ang kagalang-galang." May halong sarkasmo ang mga binibitawan nitong salita. "Tutal, sya naman ang bet nyo. Sya na lang ipakasal nyo."

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon