6. SUBOK

30.2K 930 332
                                    


So hard to hold back when I'm holding you in my arms

But we don't need to rush this

Let's just take it slow

-Lady Antebellum


Please do VOTE and leave a COMMENT!!

SUBOK po iyan, hindi po SUBO hahahah


Days went on like a blur. May mga napag-usapan at napag-kasunduan ang aming kasal, though hindi pa ito pormal, kumbaga ay parang draft pa lang ito. Hindi ko rin alam kung anong ginawang pakikipag-usap ni Nic sa aking mga Lolo't Lola at nagawa nitong kumbinsihin ang mga ito ng ganun kadali. He did nail it, I was impressed. Ni hindi man lang nila ako tinanong kung bakit ganito, o bakit ganyan? Basta wala na akong narinig na violent reaction mula sa aking pamilya, and Lolo looked happy.

Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko ang aking nagawang desisyon. Maybe one of these days, pakiramdam ko ay parang nananaginip lang ako. Hindi pa man announced ang aming engagement sa madla ay unti-unti ng bumabalik ang sigla ng aming negosyo. Marami na ulit gustong mag-invest. Sabi pa sa akin ay balita na daw sa business world ang napipinto naming kasal. Kaya maraming nagkumahog na mag-invest. Si Nic na rin ang pinag-take-over ni Lolo sa aming mga negosyo, para daw makaakit pa at muling magtiwala sa amin. At dahil busy si Nic, he hired someone to look after it. Gladly, isang mapagka-katiwalaang tao ang nakita nya.

Magka gayunpaman ay hindi pumayag si Lolo na sumama ako kay Nic pagbalik nito sa sariling bahay, at magalang naman nitong sinang-ayunan.

The end of first semester is fast approaching, according to Nic's parent the wedding should be held during sembreak. Para daw hindi na ako sobrang abala sa gawain sa school. Nic and I kept everything in private for the meantime. As much as possible ay umiiwas pa kami sa lahat ng mga mapanuring mata sa paligid. Tanging malalapit na kaibigan lang at kasosyo sa negosyo ang nakaka-alam ng aming nalalapit na kasal. Kaya naman nagtataka ako ng mabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa aming kasal ni Nic. Labis akong naguluhan at nagtaka.

Si Kuya Bojo man ay pinatawag pa ako sa kanyang opisina dito sa school para lang makumpirma ang balita. Hindi ito makapiwala sa aking sagot. Narinig ko lang itong nagsalita ng "Gago talaga." Mangilan-ngilan studyante rin ang tumitingin sa akin ng may halong pangungutya, pero ang iba naman ay nariringgan ko ng mga positibong komento. Kesyo pang teleserye daw, o di kaya ay pang nobela ang kwento naming dalawa. May iba naman na naghihinuha na ito ay produkto lang ng arranged marriage ang magaganap.

Lahat ng iyon ay nalusutan ko, maliban na lang sa dalawa kong matalik na kaibigan. Ilang araw bago magsembreak ay bigla na lang ang mga ito sumugod sa bahay. Ang mahimbing kong tulog ay nabulahaw ng malalakas na yabag.

"Nasaan? Saan mo tinago iyang lalaki na yan?" sigaw ni Ann habang isa-isang binubuksan ang cabinet dito sa loob ng aking kwarto. Pupungas-pungas ko itong tiningnan.

"Wala naman dito sa banyo." Sabad pa nitong si Lhen.

"Ano ba yang hinahanap nyo? Ang aga-aga nambubulahaw kayo." Reklamo ko sa dalawa kong kaibigan. Balak ko sanang magtalukbong ng kumot, ngunit nauna ang mga itong hilahin iyon sa akin. Hinila ako patayo ni Ann, ang nagsimula na akong i-check ni Lhen. Una nitong kinapkap ang aking balakang.

"Hindi naman lumapad ang balakang, beshie. Ganun pa rin naman. Tulad pa rin ng dati." Saad nito. Ang sumunod nitong galaw ang nagpa-tili sa akin.

"AAAHHH!!!" sigaw ko, nuong salatin nito ang dalawa kong dibdib. Dito na ako nagpumiglas sa hawak ni Ann. "Ano ba?" bahagya kong niyakap ang aking sarili. Hindi pa naman ako nag-susuot ng bra pag natutulog.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon