I dont want to prolong your agony. So ITO NA!! I didn't expect na may handa pala talagang bumili ng books ko if ever na mag self-pub ako. Anyways, nakakatuwa yung almost 100 na katao ang nag YES! Salamat po.
Warning: HAWAKAN ANG PUSO AT TYAN SA KAKATAWA.
Shilloh
"Mahal, come on! Bangon ka na muna dyan."
"Nic, naman.... Mamaya na." sabay talukbong ko ng kumot.
"Mahal, please naman..." tunog aburido na ito sa buhay. Ang aga-aga pa naman kasi, bukas pa naman ang kasal nina Axl at Adrianna pero parati na lang itong nagmamadali.
"Nic, ano ba?! Pag ako nainis, mag-isa kang dadalo sa kasal ng kaibigan mo!! Nakakainis 'to!!" kakagigil naman kasi, sandali lang yata ako nakatulog.
Nagdadabog akong umalis ng kama at lumipat sa dati kong kwarto. Nagdouble lock na rin ako, nakakapikon naman kasi. To think na Sabado pa lang ngayon, at ang gusto kasi ng planner at organizer ng kasal ay doon na kami mag-stay sa Calleruega sa Nasugbu, para daw on time kami bukas.
Ilang sandali pa ay narinig ko na itong kumakatok. "Mahal ko.... Sorry na..." hindi ko naman ito pinansin pa. Naiinis pa rin ako. Kung sana ay pinatulog ako nito ng maaga, Eh di okay lang, kaso naman umaga na ako nakatulog, tapos ang gusto pa ay gisingin agad ako. Sinong hindi maghihikutok sa inis!?
"Mahal... Alle. Open the door, sorry na. Please... Mahal ko... " kakapikon pa rin sya.
"Manigas ka dyan!!"
"Alexis Shilloh Asensio... Wawasakin ko itong pinto, kapag di mo ito binuksan!!" mabigat ang bawat bitaw nito ng salita, pero...pakialam ko sa kanya. Bahala sya sa buhay nya. Magsasawa ka rin dyan. Ilang sandali pa ay nawala na rin ito.
'Buti naman'
"ALLE!!!!" malalakas na paghampas sa pinto ang nagpagulat lalo sa akin.
"Mason!!" boses yun ni Nay Regie. "Anong nangyayari dito?! Bakit ka sumisigaw?! Shilloh, neng!! Anong nagyayari sa inyo?" nag-umpisa na rin si Nay Regie sa pagkatok. "Neng, buksan mo 'to? Ke-aga aga nagsisigawan kayo"
'Kasi naman ang gurang eskandaloso' kakairita talaga.
"Alle!! Wawasakin ko talaga 'to." Rinig ko namang sinuway ito ni Nay Regie. "MAHAL!!!"
"Neng, Shilloh, ako na ang nakikiusap sayo. Makikibukas naman ng pintuan." Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko bago umalis sa kama. Walang pagmamadali kong binuksan ang pintuan.
"Ineng, anong nangyayari? Bakit kanina pang hiyaw ng hiyaw itong asawa mo? Rinig sa baba ang kalampag ng pintuan ah." Nakakahiya talaga ito, pati mga kasama sa bahay ay naiistorbo.
"Ako na po bahala Nay."Isang matalim na titig ang ibinigay ko sa magaling kong asawa. Binigyan ko na lang ng isang malambing na ngiti ang matanda para mapanatag ito. Ilang sulyap pa sa aming mag-asawa ay umalis na din agad ito. Isang matinding irap ang binigay ko kay Nic. Akmang lalapit ito sa aking ngunit pinigilan ko agad.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomansMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...