Napa-update na ay nag ADVANCE na sa FINALS ang LAKERS.
Shilloh
"Dito ka lang sa loob." At muli na namang lumapat ang labi nito sa akin.
"Oo na nga kasi. Bakit ba ang kulit mo?"
"I'm going na Kuya." Paalam ni Khal na papunta na yata sa conference room. Andito kami ngayon sa Manila dahil may emergency meeting daw sa kanilang kompanya. Nag halfday lang ito sa munisipyo.
"Lumakad ka na Nicolo." Imbes na sumunod sa akin ay hinapit pa ako nito palapit sa kanya tsaka hinalikan ang aking leeg.
"I love you..."
"Nic..." I warned him. "Wag na kasing makulit. Go ka na, hinihintay ka na dun." Pamimilit ko pa dito. "I love you too."
"Don't go outside, dito ka lang." I reached for his face then smile.
"Oo na nga mahal ko."
"Hey champ." Bahagya pa itong lumuhod para magpantay ng aking di pa rin masyadong kalakihang tyan. Sabi nga ng OB ko ay ang liit ko daw magbuntis. Five months na si baby pero ang liit pa din. "Bantayan mo si Nanay habang wala pa si Tatay. Wag ka din makulit dyan. Behave ka lang ah. Tama na ang hilo at throw up ni Nanay. I love you, champ."
"I love you too Tatay."
"And I love you the most." Tumayo na ito and for the last time ay muli na namang naglapat ang aming mga labi.
"Hmmpp.." I pushed him. "Lumakad ka na."
"Oo na mahal ko." The he kissed my temple.
Isang oras na ako sa loob ng opisina ni Khal at nakakaramdam na din naman ako ng inip. Maganda ang interior ng opisinang ito. Malawak, malinis at maganda ang kombinansyon ng mga kulay. Mula sa sofa ay tumayo ako at lumapit sa lamesa, at dahil sinapian ako ng aking pagiging usisera ay sinimulan kong buksan ang isang pitak ng drawer doon.
I was shocked, bakit may nakatagong picture frame dito? It was a picture of Khal smiling, pati na rin ang kasama nitong magandang babae. Mukhang di purong Pilipino ang kasama nito, maganda ito, bilugan ang mukha, at may magagandang pares ng mata.
'Girlfriend ba ito ni Khal?' pero wala naman itong pinapakilala sa bahay. Hindi din ito nagkukwento ukol sa buhay pag-ibig nito. Napagod na ako sa kakaisip kaya nagpasya akong lumabas kahit saglit lang.
My attention was caught by a familiar built in front of me. Kilala ko ito.
"Ralph?" Mahinang tawag ko dito. Kelan ba nung huli kaming magkita? Third year high shool? I thought nasa Canada ito. Lumingon ito at sandaling natigilian habang nakatingin sa akin. Palipat-lipat ang tingin nito sa aking mukha at tyan.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...