"It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word you can light up the dark
Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thing"-Alison Krauss
BABALA: BAWAL KILIGIN SA MGA SUSUNOD NA EKSENA. SINASABIHAN DIN ANG LAHAT NA LUMAYO SA MATA-TAONG LUGAR. HIGIT SA LAHAT WAG KALIMUTANG BUMOTO. NAGTATAMPO NA AKO. CHARAUGHT!! Mababaog ang di BOBOTO. hahahahha
Shilloh
Tanghali na ng magising ako kinabukasan, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa kung anong naganap kagabi. Malaking pala-isipan pa rin sa akin kung naalala ba nito ang halik na aming pinagsaluhan.
'Lasing naman sya, siguro ay hindi na iyun maaalala pa Nic. 'Di ba ganun naman pag-lasing? Hindi alam ang ginagawa?' pilit kong pinapaniwala ang aking sarili.
Laking pasalamat ko na lang at bandang hapon pa ang pre-nup shoot namin, may iba pa kasing engagement yung photographer. Ang alam ko ay sikat na photographer ang kinuha ni Tita Annie, pinsan daw ito ng isa sa mga kaibigan ni Nic. Hindi ko ito personal na kilala, pero ayon kay Tita ay magaling daw ito.
Pagbukas ko ng pinto, ay sakto namang labas ni Nic mula sa kwarto nito. Bahagya pa akong natigilan, sa pagkapahiya ay nag-yuko na lang. Hindi ko ito pinansin buong tanghalian, bukod sa gutom ako at nag skip na ako ng breakfast. Nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko ang paghalik nito sa akin kagabi. Pakiramdam ko parang hindi normal yung aming ginawa. Mahirap i-explain pero parang nawalan ako ng kontrol sa pangayayari. Ni wala man lang pagtutol na naganap. Ayokong isipin nito na nagustuhan ko iyon.
'Nagustuhan ko nga ba?' ito ang tanong na hindi ko kayang sagutin. Hindi ko alam.
"Hija, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tita sa akin. "Nakatulog ka ba ng mabuti kagabi? O baka naman masyado ka lang excited sa shoot nyo mamaya?" Sinamahan pa ito ni Tita ng mapanuksong tono.
"Ok lang po ako Tita."
"Pwede bang Mommy na lang ang itawag mo sa akin?" at ginagap nito ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw sa lamesa. I wanted to cry, sa sobrang tagal ng panahon ay mayroon na ulit akong matatawag na Mommy. It has been ten years since the last time. I held back my tears and smile, then I nodded my head. Bigla namang tumayo si Tita at mahigpit akong niyakap. Matapos ang hapunan ay naghanda na ako.
Bigla naman pumasok si Mommy Annie sa loob ng aking kwarto, inabutan ako nito ng limang paper bags. Pawang mamahalin ang laman nuon, galing kasi ito sa isang kilalang boutique.
"Ano po ito?" magalang kong tanong.
"Yan ang suotin mo mamaya. May dalawa akong dress na binili dyan, yung isa naman dyan ay mga accessories mo, tapos yung dalawa pa ay footwear. Though provided na yung wardrobe, gusto ko pa ding isingit yan sa shoot. Alam kong babagay yan sayo. Bale dapat ay limang palit, I volunteered na kung pwede ay tatlo lang kasi sa akin na manggagaling yung dalawa mong pamalit." Paliwanag pa nito.
"Pero po---"
"No, walang pero, pero. Magagalit ako kapag di mo yan sinuot mamaya." Animoy bata itong nagtatampo. "At tsaka nandun ako mamaya sa location. I want to see everything, isasama ko na din si Manang Regie, para may mag-asikaso sa inyong dalawa ni Mason."
"Salamat po dito. nag-abala pa po kayo." Nahihiya kong sabi pa.
"Naku, wag ka ng mahiya. Anak na rin naman kita. After few days ay mapapanga-asawa mo na iyang panganay ko. So, wala lang yan anak." Mabini nitong hinaplos ang aking pisngi. "Anak, pagpa-pasensyahan mo lagi iyang si Mason ha. Alam mo naman ang nature of work ng batang yan. Pero sana kapag ikinasal na kayo ay matuto na syang i-balanse ang oras nya." She sounded a bit annoyed. "Wag ka din mangingimi na pag-sabihan sya kapag sumosobra na. Mag-asawa na kayo, may karapatan ka na. Pag nambabae yang anak ko, isumbong mo agad sa akin anak, at nang mabayagan ko ang lintik na yan." ako man ay napatawa sa tinuran ni Mommy. "Pero anak, loyal ang mga Asencio, sa may kung ilan taon naming pag-sasama ni Daddy Dennis nyo, wala akong matandaan na tumingin yan sa ibang babae. Kahit maraming haliparot sa paligid, sa akin pa rin ang focus ang mata nya. Kaya I assure you, di ka lolokohin nyang anak ko." Mahabang pangaral sa akin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...