"'Cause after all these years.
I still feel everything when you are near."
-Camila Cabello
Shilloh
"Meses, malapit na ang birthday ni Mayor ah. Sa isang buwan na." pamukaw sa akin ni Ate Lucille. Nasa may kusina ako at naghahanda na para sa agahan. Sabado ngayon, at tulog pa si Nic sa itaas. Huling pasok ko na nga pala sa isang Linggo. Tapos a week after ay kaarawan naman ni Nic. "May naisip ka na bang gift Meses?" Jeez! wala pa akong naiisip actually. Nakalimutan ko na nga iyun.
"Wala pa po akong naiisip Ate. Ano po ba ang magandang iregalo kay Nic. Parang halos lahat naman po ay meron na sya." Ayoko namang tanungin ito, mawawala ang sense of excitement.
"Alam ko na Meses." Seryosong sabi ni Ate Lucille. Tinutulungan na din ako nitong mag-ayos ng hapag. "BABY!" bahagya akong natigilan at napalunok.
"Naku, neng. Wag kang makikinig dyan kay Lucille. Kung ano-ano sinasabi nyan. At ikaw Lucille wag kang bad influence ha. May usapan na ang mag-asawa na iyan, na pagkatapos na ng graduation ang baby. Magtatapos mula si Shilloh sa pag-aaral." Litanya ni Nay Regie.
"Ate Lucille naman. Nakakaloka yang suggestion mo. Akala ko pa naman ay kung ano na. Super seryoso mo na kasi."
"Neng, wala kang makukuhang matinong sagot dito kay Lucille. Lahat dito puro kalokohan." Nagtawanan naman kami dito sa kusina. Ganito palagi ang weekends ko, super saya. Malayo sa mapanghusgang mata sa labas ng bahay na ito.
"Mag-iisip na lang po ako. Matagal pa naman po iyon."
"May pasok ka pa ba sa araw na iyon?" tanong ni Nay.
"Wala na po bakasyon na po kami. Hindi naman po ako magsa-summer class."
"Neng, yayain mo na lang kaya si Mason mag out of town. May rest house ang mga iyan sa Mabini" Suhestyon ni Nay. Maganda nga yon.
"Tapos dun kayo gumawa ng baby Meses. BONGGA!!!" nakataas ang mga braso nito sa ere at nag form iyun ng letter V. Sayang-saya ito sa sariling suhestyon.
"TSE! Manahimik ka!" sawata ni Nay Regie dito.
"Pumayag naman po kaya si Nic? Palagi naman po iyong busy." Pag-aalangan ko. Nakakahiya naman na magyayaya ako tapos tatanggi lang sya.
"Pilitin mo neng. Papayag naman yang asawa mo."
"Oo nga meses, tapos akitin mo na rin."
"LUCILLE!!!Ang bibig mo!!"
"Si Nay palagi na lang ganun sa akin ah! Talaga naman kailangan din yun ng mag-asawa. Ako nga eh, parati kong inaakit ang asawa ko Meses. Ang sherep keye." Sinamahan pa nito ng pag-pungay ng mga mata.
"Ikaw talaga Lucille, sa taniman kita ipapa-assign. Di ka na tumahan eh." Namumula na si Nay Regie sag alit. Gusto ko ng matawa sa dalawang babaeng kaharap ko.
"Bahala na Nay. Magtatanong na rin po ako sa aking mga kaibigan. Baka po may suggestions din sila." Ngayon lang yata ako mamomroblema sa ipangreregalo ko.
'Ano nga kaya ang maganda? Ang hirap mag-isip. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito'
"Nay Regie! Nasan po ang asawa ko?!Mahal!" nag-eeskandalong sigaw nitong si Nic sa aming sala.
"Nic, wag ka ngang sumigaw. Andito lang ako oh." Lumabas na ako sa kusina para salubungin ito. Halatang kababangon lang nito sa kama. Magulo pa ang mahaba nitong buhok, hubad baro rin ito. Nakasuot lang ito ng isang dri-fit shorts mula sa kilalang sports apparel. "Para tong ewan eh. Aatakihin sayo si Nay Regie. Nakakagulat ka Nic." Hinila ko na ito papasok sa dining. "Upo ka muna dyan. I'll make you a cup of coffee." Di ko pa man nasisimulan ang aking gagawin ay naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin mula sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...