3.TULONG at ALOK

33.6K 887 216
                                    

"Forget the world now, we won't let them see

But there's one thing left to do"

-Train





Humihingi ako ng pasenya sa inyong lahat. Love you all

Shilloh

"Apo, bangon na ikaw dyan" gising sa akin ni Lola na sinamahan pa nito ng marahan na tapik sa aking pisngi.

"La, mamaya na, antok pa ako, maaaga pa naman." Parang groggy kong wika. Pagod na pagod kasi ako, mentally and physically. And dami kasing ginawa sa school. Tourism Week kasi, tapos yung problema pa namin na hindi ko masolusyunan. Pakiramdam ko araw-araw pagod na pagoda ko.

"Anong maaga pa apo ko. Tanghaling tapat na. Alas dose na eh."ang mga salitang iyon ni Lola ang nagpabangon sa akin. Pakiwari ako ay bigla akong nahimasmasan.

"Gosshhh!" pabulong kong sabi.

'Ganon ba akong kapagod at di ko na namalayan ang oras?' Sapo-sapo ko ang aking ulo habang nakatingin sa kawalan.

"Apo" pukaw sa akin ni lola, napabaling naman ako sa aking abuela. "Umamin ka nga sa akin apo, bakit ba palagi ka ng pagod? Ilang araw ka ng ganyan ah. Ano bang pinag-gagagawa mo sa buhay mo? Baka kung ano na yan apo ah." Pag-uusisa ni Lola na may kasamang pag-aalala.

"La, madami lang po kaming ginagawa sa school. Tourism Week po kasi. Wag po kayong mag-alala, wala po akong ginagawang hindi nyo magugustuhan." Na sinabayan ko pa ng isang malambing na ngiti.

"Lelel, wag mo ng problemahin yung sinabi namin nung nakaraan. Maayos din yun, humihingi na ng tulong ang Lolo mo sa kanyang mga kakilala." Pag-aalo sa akin ng aking abuela. Alam kong ayaw ng mga itong sabihin sa akin ang tunay na sitwasyon, pero nararamdaaman kong unti-unti na kaminng nauupos. Nung nagdaang araw lang ay narinig kong nag pull-out na ng shares ang aming stockholders at ang iba pang mga kasosyo namin sa negosyo. Kaunti na lang lulubog na kami, hindi ko na alam kung saan pa kami pupulutin.

"Lola, alam nyo naman na gusto ko talagang makatulong. Naghahanap na rin po ako ng paraan. Don't worry, sooner or later mareresolba din yan." magalang kong sabi. Kahit hindi ang mga ito magsalita ay halata ko ang paghihirap ng mga ito.

"Hayaan mo apo malapit na. Kaya ikaw mag-aral kang mabuti. Makita lang namin na matupad ang pangarap mo, masaya na kami ni Lolo Rod." Niyakap ko si Lola, pinipilit ko talagang huwag maiyak, gusto ko kasing ako ang magbigay ng pag-asa at lakas ng loob sa aking matitirang pamilya.

'Kaya ko 'to'

"Oh, sya. Bangon na at magbihis, tapos bumaba ka na para sa late na tanghalian." Sabi ni Lola, sya na rin ang nagtulak sa akin papasok ng banyo.

Matapos kong gumayak ay madali akong bumaba, para kahit papaano ay magkalaman ang aking sikmura. Agad naman akong dinaluhan ni Manay Naty.

"Nay ako na pong bahala dito. Kaya ko na po ito." Ngiti lang ang sagot nito sa akin. Pagkatapos ko ay naghintay lang ako ng ilang sandali saka ako pumunta ng San Luis upang dumalo sa kaarawan ng kuya Bojo, may kaunti daw handaan na inihanda ang ang mga Hernandez.

Pagpasok ko pa lang ng masyon ay sinalubong na agad ako ni Ninang Carol, mother ni Kuya Bojo, best friend ni Mama.

"Buti naman at nakarating ka hija." Panimula ni Ninang, na sinamahan pa ng beso. "Naku, kung hindi, ay talagang magtatampo na ako sayo."

"Ninang naman, alam nyo namang kahit busy ako, basta kayo ang nag-aya ay mabilis pa sa alas kwatro akong tatakbo papunta sa inyo." Na sinabayan ko pa ng mahinang pagtawa.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon