HAPPY 2k Followers 🎆🎆🎉🎉 SALAMAT sa patuloy na pagbabasa at lalong salamat sa mga taong ni-recommend ang aking kwento sa kanilang mga kaibigan. MAHAL KO KAYONG LAHAT.
Wag po kayong mahihiyang bumoto.
Shilloh
Panibagong umaga na naman, pero parang gusto ko na lang humilata sa kama. Halos isang buwan ko ng hindi nakakatabi sa pagtulog ang aking asawa. Sanay pa naman akong kada umaga ay lilingunin ko ito sa aking tabi o di kaya ay gigisingin ako nito nang kanyang mga halik at yakap. Nakakapanibago lang na sa tuwing lilingon ako ay hindi ko ito nakikita. Kahit man lang ang amoy nito ay namimiss ko na rin. Kaya yata naamoy ko na ito ngayon.
Tuloy pa rin ang pamamahagi namin ng pagkain sa mga evacuees, pero hindi ko na muli pa itong na-tyempuhan. Busy daw ito, at halos lahat ng evacuation center ay pinupuntahan nito araw-araw. Wala namang palya ang pagtawag nito sa akin. Magka ganun pa man ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko dito. Mas gusto ko talaga yung nakikita at nayayakap ito, kahit sandali man lang sa isang araw.
Matapos ang aking pagmumuni-muni ay gumayak na ako para mag-agahan. Late breakfast na ito, tinatamad na kasi akong bumabangon pa sa higaan. Halos umaga na kasi akong natulog sa pagsasagot at pagpapapasa ng aking learning modules. Napagdesisyunan kasi na ituloy ang aming pag-aaral kahit na daw through online at learning modules lang. Para naman daw makahabol kami.
Mabagal akong bumaba at naglalakad papunta sa dining area. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang aking asawa na nakasandal sa may pintuan ng kusina at may kung anong kinakalikot sa aking smartphone. Mukha itong seryoso at ayaw paistorbo sa ginagawa. Tulad ng dati ay wala na naman itong pang-itaas. Sa tingin ko ay bagong gising din ito dahil na rin sa magulo pa nitong buhok. 'Saan kaya ito natulog?'
"Nic" I called him. Madali nitong tinapos ang ginagawa, at nakangiting tumingin sa akin.
"Good morning, mahal." I crossed our distance and threw myself to him. Niyakap ko ito nang mahigpit. "Na-miss mo ako?" kahit di ako nakatingin dito, alam kong nakangiti ito habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Hmm" na sinabayan ko ng pagtango. Niyakap din naman ako nito pabalik. "Kelan ka pa umuwi?" nakadantay ang pisngi ko sa dibdib nito.
"Kaninang madaling araw ako umuwi. Tabi pa nga tayong natulog. I would love to wake you up, and make love with you, kaso baka pagod ka." He's really a straightforward type of guy. Ramdam ko ang paulit-ulit nitong paghalik sa aking tuktok.
"Nic..."
"Hmmm?"
"I missed you."
"I missed you more, mahal. Kung alam mo lang." Tumingala ako para makita ko ito ng maayos. Doon ko lang napansin na nagbago na ito ng style ng buhok.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...