"Every time I see you baby I get lost. If I'm dreaming, baby, please don't wake me up" -Shawn Mendes
Sorry for the late update.
Nawa ay kiligin kayo dito.
BABALA: WALANG HAMPASAN. Bawal ang BITIN sa comment section. hahahhahah
UNEDITED
Shilloh
"Tita, hungry na si Clive." Sabi ng alaga kong bata na ubod ng pogi at daldal. Parang kanina lang nang bigyan ko ito ng gatas ah, wala pa yatang isang oras iyong huli. Pagkarating din naman nito kanina ay agad ko na itong pinakain.
Siguro nga ay ganito talaga ang mga bata. Gutumin. Holiday ngayon kaya hiniram ko muna ito sa kanyang mga magulang. Parati kasing busy si Nic, ito na yata ang taong hindi na naubusan ng gagawin.
Nic is with his friends. Nasa may library ang mga ito at mayroon daw pinag-uusapan about sa negosyo. Hindi ko pa naman ang mga ito nasisilip at mukhang ayaw namang paistorbo. Sabi pa ni Nay Regie at locked daw ang pintuan. Siguro nga ay mahalaga ang pinag-uusapan nila.
"Tara sa kitchen, mahal" I called him mahal, kasi talagang kamahal-mahal naman ang batang ito. Hindi ito kasing likot tulad ng ibang bata. Kumuha lang ako ng towels at isang feeding bottle nito pati na rin bag ni Clive, tapos ay nagtuloy na kami sa kusina. Buti na lang at may baon itong cereal, nakalagay iyun sa isang resealable plastic bag. Kumuha na lang ako ng fresh milk sa ref at hinalo iyon. Pagka-ubos ng cereal at nag request pa ito ng biscuit. Agad ko naman itong binigyan, naghanda na rin ako ng tubig sa feeding bottle nito, in case na mauhaw sya.
"Mahal wag kang malikot dyan ah. Magluluto lang si Tita. Wag kang aalis." Iniwan ko muna ito saglit sa lamesa, kahit papaano naman ay marunong na itong kumain mag-isa ng biscuit. Madungis nga lang. Hindi din naman masyadong matigas ang tinapay na binigay ko. Mamaya ko na lang ito lilinisan, pagkatapos ko.
'Ano kaya ang pwedeng lutuin para sa meryenda?' Ako kasi ang madalas mag volunteer na magluto lalo na at wala akong pasok. Kaya kapag ganitong available ako, iniiwan na lang ako ni Nay at mga Ate sa kusina. So, I checked our stocks first sa ref. 'Ayun, bread roll na lang at maha corn tapos lemon juice na lang ang inumin.' Sinilip ko muna saglit si Clive, iniwan ko muna saglit ang phone ko dun at hinayaan ko itong manuod ng paborito nitong cartoons sa youtube, I just clicked auto-play, para sunod sunod nito iyong mapanuod. Kumuha na rin ako ng mga iba pang ingredients na kailangan. Inilapag ko muna iyon sa mesa bago ko kinausap si mahal.
"Behave ka muna mahal ah."
"Yes po, Tita." I kissed him on the cheek saka ako nagstart magluto.
Madali akong nagtungo sa kusina at nagsimula na, matapos ang bread roll ay sinumulan ko na ang maha.
"Shit!" napa-mura ako. Naiwan ko sa mesa ang mga ingidients ko. Utusan ko na lang si Clive, mabait naman yun. Iisa-isahin ko na lang ang pagpapa-kuha.
"Mahal!!" sigaw ko mula dito sa kusina, mayroon kasing division ang dinning at kusina, rinig naman ako mula doon at nakabukas naman ang pinto. "Makikisuyo ako mahal, get the small white box sa table. Salamat." Magiliw kong sabi. I extended my arms sa aking likuran, nakababa iyun dahil maliit pa naman si Clive. Hindi na ako lumingon at alam ko namang makukuha agad yun ng bata. Ilang sandali pa ay nakuha ko na iyon.
'Ang galing talaga nitong utusan. Nakakatuwa.'
"Mahal, isa pa" malapit na kasi maluto, yung corn ilalagay ko na. "Yung corn naman, the green can. Kindly bring it here! Thank you, mahal!" maya-maya pa ay andito na.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...