Tell the world that we finally got it all right
I choose you
I will become yours and you will become mine-Sara Bareilles
Follow me on FB, Misis ni Kuzma
Shilloh
Maaga akong bumagon para sa araw na ito, pa-San Luis pa kasi ako. Nakakahiya naman kung maghihintay si Kuya Nic sa akin.
"Oh, hija. Ang aga mo yata ngayon?" Masiglang bati ni Nay Naty. Napansin ko ring parang nabawasan ang mga tauhan namin sa kusina. Dati-rati naman ay halos mag-umpukan na ang mga ito sa kusina.
"May usapan po kasi ni Kuya Nic. Ako po kasi ang magrerepresent ng Bayan ng San Luis sa Alay Lakad Nay." Imporma ko kay Nay, habang nilalagyan ng palaman ang pandesal na nakahain sa mesa.
"Ano yun nak? Parang muse? Ganun ba yun? Alam mo naman ang Nay Naty mo, hindi nakapagtapos ng pag-aaral" may halong patataka ang boses nito.
"Opo Nay, para pong ganun." Na simahan ko pa ng matamis na ngiti.
"Talaga!" mangha nitong turan. "Pagka-galing naman ng alaga kong a-re ah." Lumapit pa ito sa akin, at binigyan ng mahigpit na yakap.
Bata pa lang ako ay kasama ko na si Nay Naty sa bahay. Katulong ito nina Lolo at Lola sa pag-papalaki sa akin, kaya naman ganun na lang ang pagkalapit ng loob ko rito. Ito ang tumayo kong pangalawang magulang.
"Aba nak, dalian mo na dyan." Sabay lapag nito ng isang baso ng mainit na gatas sa aking harapan. "Gagayak ka pa." paalala pa nito. Kaya naman madali kong tinapos ang aking agahan, at nagkukumahog na umakyat sa aking kwarto para maghanda. Isang simpleng dress na hanggang tuhod lang aking aking suot, na tinernuhan ko isang flat shoes. Magpapalit din naman ako mamaya.
Nagtext na rin ako sa mga kaibigan ko na hindi ako makaka attend ng klase ngayon kasi may lakad ako, at ang mga gaga, gumaya na rin sa akin. Hindi na rind aw sila papasok. Hayys. 'Friendship Goals' daw sabi ni Lhen.
A message from Kuya Nic came in.
Alle, si Kuya Gardo na ang susundo sayo dyan sa inyo. Ingat kayo papunta dito.
Then I replied.
Ok po Kuya. Ready na po ako papunta dyan. See you in a bit.
Paglabas ko naman ay nakasalubong ko si Kuya Norman, ito ang aming guard dito sa bahay. Maagap ko itong sinalubong at binati.
"Kuya, magandang umaga po. Bakit po kayo napadayo dito? Magpapacharming ka kay Ate Gee, ano?" tukso ko pa rito. Marahan naman itong nagkamot ng batok. Sanay na naman ito sa akin. Halos lahat ng aming katiwala sa bahay ay itinuring ko na ring pamilya.
"Ikaw talaga kahit kelan. Hindi ah!" paged-deny pa nito. "Iaabot ko lang itong sulat. Noong isang araw pa pala ito sa akin. Nakalimutan ko ng i-abot." ako na lang ang nagboluntaryong mag-bibigya non kina Lolo at Lola.
"Ako na lang kuya ang mag-aabot nyan. Nag-papahinga pa naman sina Lolo at Lola." Madali naman nitong ibinigay sa akin ang sulat at basta ko na lang iyon isinuksok sa aking bag.
"Magpapahatid po ba kayo?" maagalang nitong tanong. "Tatawagin ko na si Kuya Adel."
"Hindi po Kuya. May lakad po ako, ipapasundo po ako ng Kuya Mason." Tamang-tama naman na may narinig kaming busina. Kaya madaling biinuksan ni Kuya ang gate.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...