Maraming Salamat sa inyong paghihintay. Let's hear his side. Bawal judgmental. HAHAHHAHAH. Kayo na po ang bahala na humusga kay Mayor. Ingat po tayong lahat.
Mason
Isang linggo na ang lumipas buhat nang umalis ako, pero para ko nang gustong hilahin ang araw para bumilis. Though I always talk to my wife, I still feel the emptiness. Lalo na sa gabi, nagigising na lang ako na hinahanap ang init nang yakap nito sa akin. Namimiss ko na rin ang pag-asikaso nito sa akin bago ako pumasok sa umaga, at ang pag-intindi nito sa akin sa hapag. I need to endure another week without her, mas magiging mahigpit pa naman this week, bawal na ang phone sa session hall. Nakapag-sabi na naman ako dito, naiintindihan naman daw nya.
I really don't know what I did in my past life, para biyayaan ako ng ganitong kaganda at kasayang buhay. I became busy for this week, hindi na nga minsan ako nakakatawag sa asawa ko. Kaya every morning ay nagte-text na agad ako dito, at humihingi na rin ng pasensya. That's my routine for the first three day of my second week here in Davao.
"Man, open the door." Madali kong tinungo ang pinto. Sino naman kaya ito? Ang aga pa ah.
"Hey, kumusta ka?" mahina ko itong sinuntok sa braso. "It's been a while." This man was my college classmate, he's now the Mayor of Pasig, Mayor Jake with his wife Honey na isa sa mga guest speakers. "Ang aga nyo ah. Bakit?"
"Dito na kami mag-aalmusal. Dinamay ka na namin." Sabay taas ng isang supot mula sa kilalang fast food chain. I opened my door for them.
"I'll just take a shower man. Madali lang." when I say madali, I mean it. When I came back, I saw Honey talking to someone over the phone.
"Could you pleas-"
"Honey sino yan?" I asked her.
"Hala, na dead-batt na. Ano ba yan? Hindi ko nakita kung sino ang tumatawag. Kanina pa kasi ring nang ring eh. I answered it without looking at the caller ID. Sorry Mason." She really looked apologetic.
"It's ok"
"Here's your phone." Inabot nito sa akin ang aking telepono, at agad ko naman iyung chinarge. "Pasensya na talaga."
"Ok lang." nakisabay na ako sa mga ito ng agahan. Hindi ko na muli pang sinulyapan ang phone ko. We walk straight to the session hall. Tanghali nan ang makabalik ako. I immediately turned my phone on. A message from my wife and Nay Regie came in. I read my wife's message first.
'Nic, uuwi muna ako sa amin sa Agoncillo'
Then Nay Regie's 'Mason, anak. Umuwi muna ang ang asawa mo sa Agoncillo'
Maybe my wife is a bit bored, so, I let her. Sunduin ko na lang ito pag-uwi ko. Mamaya ko na lang din ito tatawagan. Hindi ako mapakali the moment I sat on my chair here inside the hall. Parang may nararamdaman akong mali. Kaya naman pagkatapos para sa araw na ito ay tinawagan ko agad ang asawa ko. Nakailang subok ako, pero hindi talaga nito iyon sinasagot. Hanggang si Lolo Rod na ang tinawagan ko para kumustahin ang lagay ng aking mahal na asawa.
"Lo, good evening po. Andyan po ba ang asawa ko?"
"Oo apo, nasa taas natutulog yata." Kaya naman pala. "May tampuhan ba kayo?"
"Wala po Lo. Busy lang po ako dito. Tinatawagan ko nga po. Hindi naman po sumasagot."
"Hayaan mo, kakausapin ko mamaya yun."
"Sige po Lo, Salamat po. Bye."
"Sige apo, ingat ka dyan." Tsaka ko pinatay ang tawag. Ilang oras na ang lumipas ay sinubukan ko ulit. Pero wala talagang sumasagot. I texted her.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...