Short update lang po. Paiiyakin ko lang kayo. HHAHAHHA
Shilloh
Tatlong araw na buhat nang sumabog ang balitang nagpakabog sa aking dibdib, at mag pa sa hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita. Hindi pa rin nakikita ang katawan ng asawa ko. I'm still hoping and praying na sana man lang ay buhay ito, kahit pa suntok iyon sa buwan, at halos tatlong araw-araw na rin akong parang pinapatay. Nasa kwarto lang ako buong araw, ni ayaw kong umalis ng higaan. Inaantay ko pa rin ang pagbabalik ni Nic sa akin.
Wala na yata akong ginawa kundi ang umiyak tuwing magigising ako, halos hindi na ako nakakaramdam ng gutom. Kundi lang para kay baby ay 'di na talaga ako kakain.
"Neng, di pwede ang lagi kang ganyan. Mararamdaman yan ng bata." Mahinahong wika ni Nay Regie. "May awa ang Diyos, anak." Umiiyak pa rin ako. Andito ang family namin sa bahay upang kahit papano ay maramdaman kong mayroon akong kasama. "At ayaw ni Mason na nakikita kang umiiyak."
"Anak, Shilloh. Tumahan ka na... Everything will be fine. My eldest is a fighter, babalik sya sayo. Maniwala ka..." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mommy. Araw-araw ay nawawalan na ako ng pag-asa.
'Paano kung hindi na?'
'Paano kung habang buhay na syang kinuha sa akin?'
Hindi ko ito kakayanin.
'Baby bear with Nanay ah, kapit ka lang dyan. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo'
*********************
Days turned into weeks. Tatlong linggo na buhat ng mangyari ang insidente. People around us speculated na patay na talaga ang asawa ko at ito ay labis na naka-apekto sa aking kalusugan. Pinipilit kong maging lively araw-araw though I'm dying inside. Ang hirap ng ganito, para kong patay na buhay sa araw araw na nagdaan.
Dinadalaw ako ng aming mga kaibigan ngunit ni isa sa kanila ay ayokong kausapin. I received messages from his friends. They're cheering me up.
'He's a brave man. He will fight for his life.' -Axl
"Mahal ka 'nun. Di ka pa iiwan ni tanda.' -Friday
'Masamang damo ang ang asawa mo. Joke lang. Buhay pa si Gurang wag ka ng malungkot. We're doing everything that we can to help. Wag ka ng malungkot.' -Kuz
I didn't reply. Lalo lang akong naiiyak kapag nalalaman kong maraming nagmamahal sa aking asawa.
Si Nic lang ang kailangan ko sa ngayon. Siya lang at wala ng iba pa. Alam kong buhay pa ang asawa ko... Ramdam ko iyon.
Araw-araw na akong umiiyak, na sinamahan pa ng morning sickness. Palagi na lang akong pagod na pagod at hinang-hina. Wala akong gusto kundi ang makita ang asawa ko.
"Anak, Shilloh baba ka muna saglit. Mag-almusal na tayo anak." Malamyos na tawag ni Mommy mula likod ng aming pintuan. Pinilit kong bumangon, buti na lang at nakisama si baby sa akin. Pagka-upo ko sa hapag ay nagbigay muna ako ng ngiti kahit pa hirap na hirap na ako. Dumating si Nay Regie na may dalang lutong ulam sa aming mesa.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...