SUPPORT ME ON DREAME
PS: WAG PO MAKULIT SA UPDATE hehe. KAPAG DI BUSY AY MAY UPDATE PO.PERO KAPAG WALA , ALAM NYO NA. BUSY PO SI MAYORA. BALIK REAL WORLD NA PO AKO.
Shilloh
Buti na lang pinayagan kaming mga trainee na makauwi on holiday season, pero kailangan daw naming bumalik sa January 3. I will tell Nic about it, baka matuwa ito. So, while I was packing my things, I called him. It's already December 23, at ngayon ko balak na umuwi. Di pa man nakaka-tatlong ring at sumagot na ito.
"Mahal ko?" he sounded tired. Kelan ba ito nagpahinga every weekday? Parang palagi naman itong puspusan kung magtrabaho.
"Nic... Mahal... Kapag pagod ka na naman, try mo ding magpahinga kahit saglit lang. Huwag puro trabaho mahal. Baka magkasakit ka na nyan eh." Nag-aalala na talaga ako dito, alam kong subsub ito sa trabaho parati, para daw wala na syang aasikasuhin kapag umuwi na ako sa bahay.
"Noted, mahal ko. Ayoko naman kasing dalhin pa sa bahay itong trabaho ko, lalo pa at kasama kita sa weekends. Gusto ko na sayo lahat ng atensyon ko."
"Oo na Mahal, wag mo naman akong masyadong pakiligin. Nakakainis ka." He laughed. "Nagtanghalian ka na?"
"Kanina pa. Break mo ba?" maaga yata itong kumain ngayon.
"Wala akong pasok today, pinayagan kaming umuwi, pero babalik din kami ng January 3, mahal." I informed him. Pero ang sagot nito talagang matatawa ka, and his reaction was priceless.
"What the fck??!! Why so short? Di pa kayo magbigyan ng two weeks. Yang si Chico na yan palibhasa walang nagmamahal dyan kaya ganyan ang ugali nyan."
"Ang daming nasabi Nic ah." Di ko na talaga napigilan ang tawa ko kaya kusa na iyong lumabas, mukha naman itong aliw na aliw sa akin. "Ano ka ba? Ganun talaga hayaan mo na." pag-alu ko rito. "Ang mahalaga ay makakauwi na ako, makakasama na kita." I paused. "Pasundo mo na lang ako kay Kuya Gardo."
"Ako ang susundo sayo, give me an hour."
"May trabaho ka pa. Ano ka ba?"
"Madali lang. Naka ready na ba ang gamit mo?"
"Oo, kanina pa."
"Sige, hintayin mo ako. See you. I love you"
"See you, ingat ka ah. I love you too. Bye."
"Bye mahal."
Wala pang isang oras ay nasa pintuan ko na ito. He was smiling from ear to ear, mahigpit ako nitong niyakap.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...