12. PAGTAWAG (SPG)

48.5K 930 329
                                    

"When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here" -Rivermaya


⚠⚠This part contains scenes not suitable for very young readers. If you're sensitive to violence and sexual act, better skip these part. Don't you dare say I didn't warn you⚠⚠

Slight act of VIOLENCE ahead⚠

To Miss Sofia Bianca, Thank You. I do love my new story covers.


Shilloh

"Nasan ako? Anong lugar ito?" naguguluhan kong tanong. Pinakiramdaman ko ang aking sarili bago bumangon. Wala namang masakit ano, maayos lang naman ako. Sinubukan kong tumayo upang buksan ang pinto ngunit sarado ito. May grills din ang bintana, pagsilip ko mula dito ay nasa isa akong liblib na lugar na puro puno ng niyog ang tanim. Madilim na sa labas, ilaw lang ng malabong poste ang nagsisilbing liwanag. Tanging tunog ng mga kuliglig lang ang aking naririnig. Agad kong kinapa ang cellphone ko, ngunit wala akong pagkakitaan. Ang alam ko ay naisuksok ko pa iyon sa aking bulsa bago ako mawalan ng malay tao kanina.

'Ilang oras na ba ko nakatulog? Sino ang sumalo sa akin? Bakit ako nasa lugar na ito?'

May bahid takot na ang aking nadarama. Paano kung kaaway ito ni Nic sa politika, o di kaya naman ay yung mga malalaking tulak ng droga sa aming bayan na pilit na pinupuksa ni Nic.

'Diyos ko, Panginoon, tulungan nyo po ako'

There's no sign na pwede akong makatakas dito, ultimo CR ay walang bintana, mukhang pinaghandaan talaga nag planong ito. Umiiyak akong bumalik sa kama.

'Please Nic, I hope you could find me. God please help Nic, may you lead his way to me'

"Kumusta Mrs. Asencio? San Luis very own young First Lady?" naka-ilang lunok ako bago nag-angat ng tingin. I just to make sure na di ako nagkakamali ng dinig. Kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

"What do you need?" mariin kong sabi dito.

"Simple lang naman. Ikaw!" na may pagturo pa sa akin. Nakangisi ito ay mukhang di gagawa ng maganda. Namumula ang dating maamo nitong mga mata. Unti- unti itong lumapit sa akin. "Maganda ka. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mas matanda sayo." May halong panlilibak sa tono nito. "Ilang milyon ka nyang nabili? Mukhang pera-pera lang ang labanan sayo? Pang-ilan mo na sya?" ilan lang sa akusa nito sa akin.

"Hindi ako ganoong babae." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Talaga? Kaya pala pumatol ka sa matandang pulitiko. Mahilig ka pala sa mga bihasa, yung maraming na ang experience. Bakit ba naghanap ka pa ng mas matanda sayo? Pwede naman ako. Siguro naman mas magaling pa ako kesa sa asawa mo." Nagsisimula akong balutan ng kakaibang takot at kaba.

'Nic, nasaan ka na ba? Natatakot na ako dito' bulong ko sa aking isipan.

"Bakit mo ba ginagawa ito?"

"Tianatanong pa ba yan? Alam mo bang sa lahat ng babae na nagustuhan ko, ikaw lang ang hindi ko nakuha!? Masyado kang maarte. Tapos sa mayamang politiko ka ang pala papatol. Mayaman din naman ako ah!! Ano bang problema mo sa akin at bakit masyado kang pakipot!!" nagababaga na ang mga mata nito. Parang kaunti na lang ay aatake na.

"Walang problema sa akin. That problem is your God damn PRIDE and EGO!!!" balik sagot ko dito. Isang malutong na sampal ang ibinigay nito sa akin. Halos mabingi ako sa lakas 'nun. Hindi pa man ako nakakahuma ay hinatak na nito ang mahaba kong buhok palapit sa kanya. "Arrgghh" daing ko, masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon