"And she will be loved" - Maroon 5
Keep safe, stay healthy and GOD Bless
Shilloh
It's my eighteenth birthday today, ang hiniling ko lang ay ang simpleng salo-salo kasama ang aking pamilya pati na rin ang aking mga kaibigan. Umuwi ang mga Tito at Tita, kasama nila si Kuya Royce. Halos mapuno na ang isang sulok sa sala sa sobrang daming dumating na regalo. Dumating din si Kuya Bojo kasama ang kapatid nitong si Kuya Reeve.
"Happy eighteenth birthday ganda. Heto ang regalo ko sayo." Sabay abot sa akin ng isang paper bag galing sa isang sikat na designer.
"Here's my gift for you." Walang emosyong turan nitong si Kuya Reeve, ito yata ang taong mabibilang mo ang ngiti. Palagi na lang itong seryoso sa buhay nito. Kahit yata kilitiin mo ito ay di man lang mag-iiba o magbabago ang emosyon nito. I just smiled at him.
"Ito nga pala, pinapa-abot ni Mason. Di daw sya makakarating, alam mo naman yun...Dedicated masyado sa bayan." Sabay abot ni Kuya Bojo ng isang may kalakihan na kahon. Kuya Mayor Nic is Kuya Bojo's friend. We saw and talked to each other multiple times already, lalo na kapag may mga handaan dito sa bahay, dangan nga lang at busy ito sa paglilingkod sa bayan. Mabait naman ito sa akin, magaan din ang loob ko dito, marahil ay nakikita ko si Kuya Royce sa kanya. Kaibigan din Lolo Rod ang Lolo nito na dating Gobernador ng aming lalawigan.
"Hindi makakarating si Kuya Yorme?" kunway malungkot kong tanong. "Ang sipag talaga nun. Baka kamo di na sya makapag-asawa sa sobrang kabusy-han nya sa munisipyo." May halong biro kong sabi.
"Mag-aasawa yun wag kang mag-alala." Dagdag pa ni Kuya Bojo, na nilakipan pa ng maikling tawa. Niyaya ko na ang mga ito sa sa hapag, para makakain na. Konti na lang naman ang mga bisita, pagabi na kasi. Pero hindi pa kami nagliligpit at baka raw may biglaan dumating.
Kung titingnang mabuti, napasimple lang ng handaang meron kami. Hindi ito katulad ng mga nauna kong selebrasyon na talagang engrande at pinaghandaaan. Pero ok lang, ayoko na ng ganun at baka mas madagdagan pa ang problema namin. Ilang beses akong pinilit nina Lolo at Lola pero puro tanggi lang ako.
"Luis, kompadre" bati ni Lolo sa paparating, "Mason Hijo kumusta ka na?" tanong pa ni Lolo na nagpalingon sa akin. Our eyes met, I smiled, I felt elated with his presence. Madali akong lumapit sa mga bagong dating, nagbless ako kay Lolo Luis, at bumeso kay Kuya Nic. Ang bango talaga nito, ang presko din nitong tingan. Kung pagmamasdan talaga itong Mabuti, ay mas bagay dito ang maging modelo kaysa public servant
"I thought, hindi ka makakarating." Umpisa ko dito, habang iginigiya ang mga ito papasok sa komedor. He put his left arm on my shoulder. "Pinadala mo na kasi ang regalo mo para sa akin kay Kuya Bojo. Sabi nya ay busy ka raw sa munisipyo." Pagkukwento ko rito.
"I was busy, pero syempre pupunta pa rin ako. Late nga lang." he softly chuckled, tumawa ba ito o nabingi lang ako saglit? Nang makapasok na kami sa komedor ay tumulong ako sa paghahain ng pakain sa kanila.
"Dalaga na ang apo mo Rod. Baka mamaya may ipakilala na iyang boyfriend sa inyong mag-asawa. Pagka-ganda pa namang bata." Natuwa ako sa papuri ni Lolo Luis, sa pagkaka-alam ko ay byudo na ito. Ang kasama nito sa bahay ay ang kapatid nitong matandang dalaga na tinatawag ni Kuya Nic na Lola, pero nagagalit ito. Ngumiti ako bago sumagot.
"Lolo Luis naman" parang nagtatampo kong turan. "Wala po akong boyfriend, bata pa po ako, at wala pa po akong balak sa ngayon" magalang kong tugon.
"Di ka na bata hija. Dalaga ka na nga eh. Parang kelan lang ay kinakarga ka pa nitong si Mason eh." Sabi pa ni Lolo Luis habang nakaturo kay Kuya Nic. Natawa naman ako. Tama nga ito, parang kailan lang ay buhat-buhat pa ako ni Kuya sa kanyang bisig.
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...