Sa lahat ng kinabahan at may masama daw mangyayari sa mag-asawa, para po ito sa inyo. Sana po ay tama ang hinala nyo. Add me on FB Misis Ni Kuzma
Unedited
Shilloh
Nakakahiya kay Nic ang nangyari kanina. Dapat pala talaga kinausap ko muna ito bago ako nagalit. Wala man lang sa lugar ang aking pagseselos. Nakakainis naman kasi, hindi ko lang talaga maiwasan eh. Buti na lang at maunawain ito.
Grabe din yung naganap sa amin kanina, nakakapanghina talaga ito ng tuhod. Mukhang hindi bagay ang gurang na term dito.
Ang lakas ng ulan, halos hindi ko na nakikita pa ang dindaanan namin. "Nic, sobrang lakas na nang ulan. Tigil kaya muna tayo." Pakiusap ko dito. Mabini nitong hinalikan ang gilid ng aking noo bago sumagot.
"Natatakot ka?"
"OH MY GAD!!NIC!!" I panicked. Mariin ko itong niyakap. Matalim na kidlat at malakas na kulog ang nagpakaba sa akin. Ayoko ng ganito, natatakot talaga ako. Naiiyak ako sa takot.
"Calm down, I'm here." Ramdam ko ang paghimas nito sa aking likuran. Paulit-ulit ang paghalik nito sa aking ulo. Tuloy-tuloy pa rin ang pagmamaneho nito, mukhang wala yata talaga itong balak tumigil. Mas lalong humihigpit ang yakap ko everytime na kikidlat at kukulog.
"Mahal, wag masyadong mahigpit. Di ako makahinga." Nagagawa pa nitong tumawa, nahampas ko nga ito. Kinakabahan na nga ako eh, tapos tatawa-tawa pa ito.
"Kainis to. Natatakot na ako, tumatawa ka pa."
"Wag ka masyadong kumapit, lumalapat na." Kinurot ko na talaga ito. "AWWW!! Mahal, masakit!"
"Ang manyak nito!! Natatakot na nga ako, tapos ganyan ka pa"
"Manyak agad!? Ikaw lang naman ang minamanyak ko ah, at ikaw lang ang mamanyakin ko habang buhay, mahal"
"Galing, bawi agad." Hindi pa rin ako umalis sa pagkakayakap dito. Natatakot talaga ako kapag kumukulog, tapos guguhit ulit ang kidlat.
"Takot ka pala sa kidlat." Manghang tanong nito. Siguro ay ngayon lang ito natuklasan ni Nic.
"Kapag ganyan naman kadalas, at maya't-maya-NIC!!" tumatawa lang ito habang ako ay sobrang nagugulat at natatakot. Wala pa kami sa kalahati ay bigla itong tumigil, nandirito pa man din kami sa liblib na part ng San Luis, dito ang daan papunta sa amin sa Locloc. Wala ng masyadong bahayan sa tapat na ito. Parte na rin ito ng kabundukan. Kaliwat kanan ay puro mabeberdeng puno lang ang makikita. "Bakit ka tumigil, Nic?" pahapon na, at mukhang mawawaln pa yata ng kuryente ngayon sa lakas ng ulan.
"We can't go on. Delikado na ang daan mahal. Maputik na." mukhang sinusuri nito ang daan mula sa loob ng aming sasakyan. Tama nga ito, maputik na ang tubig mula sa bundok. "Baka magkaroon ng minor landslide. I won't take the risk, kasama kita." That made my heart flutter. Sa maliit lang na kilos at salita nito ay nag iiwan na iyon nang malaking impact sa akin. I hate to admit pero I'm falling for my husband. Mukhang mababaw pa nga nag salitang falling para dito. Itinabi muna nito ang sasakyan.
"Dito muna tayo?"
"Oo." Kinuha nito ang jacket sa backseat at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Saan ka pupunta?" hawak-hawak ko ito sa kanyang braso.
"Titingin ako ng pwede natin tigilan. Kahit dyan lang sa may malapit." Imporma nito sa akin.
"Wag na. Mamaya ay titigil din ang ulan Nic. Dito ka muna."
"Madali lang ako mahal. Pangako." Then he kissed me.
"Magdala ka ng payong. Pag basa kang pumasok dito, hahayaan kitang manigas sa lamig."
BINABASA MO ANG
Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED
RomanceMabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San Luis sa Batangas. Ayon sa usapan, ubod daw ng ganda at nanggaling din daw ito sa mayamang pamilya. "You're stuck with me forever. Remember...