20. SILAKBO

34.1K 806 348
                                    

Good day my dear readers, sana ay nasa maayos kayong kalagayan ngayon. Walang sakit at malayo sa kapahamakan. Kumusta kaya sina ate Rosie at ate Den-den? yung mga readers ko from UAE at Lebanon kung meron man, sana ay ok lang kayong lahat. The world is changing as it ages. Hoping that everyone is SAFE. Sana ay panandalian kayong makalimot habang nagbabasa ng aking update. Love ko kayong lahat

Shilloh

Matapos ang padasal ay sumaglit kami sa sementeryo upang mag alay ng bulaklak, kandila at kaunting panalangin. I even tried to talk to them.

'Hi Ma, Hi Pa. How are you up there? Miss ko na kayo, as in SUPER. Kasama ko nga pala ang asawa ko. Ayun po sya, may kausap sa telepono. Palagi po kasing busy yun. Pero kahit ganun, mabait po iyan. Maasikaso, malambing, magalang po at matulungin. Gabayan nyo po palagi ako, pati na rin po sina Lolo at Lola, isama nyo na rin po si Nic. Mahal na mahal ko po kayo' Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Napayakap tuloy ako sa aking sarili. 'Kayo po ba 'yon? I love you both po'

"Are you cold?" napalingon tuloy ako.

"Hindi naman. Trabaho pa rin ba yan? Sabado na ah." Pamumuna ko dito. Mabilis itong lumapit sa akin at yumakap.

"Si Khal yun. Nangungulit. Bakit daw ilang araw na tayong wala sa bahay. Kinidnap na daw kita, sabi ng ampon na iyon." Halatang inis na naman ito sa kapatid.

"Wag mo nga kasing patulan yang kapatid mo. Kita mo nga! Lalo kang inaasar eh." Pinatong naman nito ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Ang ganda talaga ng mahal ko. Pa-kiss nga." Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang lahat. Nang makabawi na ako ay saka ko pa lang ito sinagot.

"Umayos ka nga. Marinig ka ng parents ko, multuhin ka ng mga yan." Pananakot ko dito. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang abnormal na pagtibok ng aking puso.

"Hello po, tito and tita. Alam nyo po ba na ang ingay ng anak nyo." Nanlaki ang mata ko sa sinasabi nito. Iba talaga ang dating sa akin ng salitang MAINGAY na iyan. Nagbago na ang kahulugan niyan sa akin matapos ang gabing iyon.

Totoo ring halos isang araw akong hindi makalakad kinabukasan. Panay asar pa ito sa akin na weak daw ako. 'Eh sinong kayang di manghihina sa ginawa niya'

"NICOLO!!" sigaw ko dito na sinamahan ko ng hampas. "Umayos ka nga. Kaasar 'to"

"Kita nyo na po. Ang ingay nya oh." Hinuli nito ang kamay ko at muling kinulong sa kanyang mga bisig.

"Manahimik ka nga." Tumawa lang ito. "It's been ten years. Matagal-tagal na rin pala." Nic hugged me tighter, he even planted soft kisses on my temple.

"Don't worry mahal. I'll take care of you. I promise"

"Mahal, Thank you for always saving my ass." Bahagya pa akong napatawa.

"Don't mention it. It's my duty now." Isinandal ko na nag katawan ko dito. Maswerte pa rin talaga ako sa nangyari sa akin. "Tara na, mahal. Mukhang uulan pa yata." Nagpahila na ako dito at sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang puntod ng aking mga magulang.

"Bye Mama and Papa." The I smiled. Biglang tumigil si Nic at muli kaming bumalik sa pwesto naming kanina.

"Hi Tito, Tita. Don't worry about Alle, I'll take care of her. Kahit pa matigas ang ulo nito minsan." Sinamaan ko ito ng tingin. "At tsaka po kahit maingay sya."

"Ano ba??!! Dyan ka na nga." Narinig ko pa ang pagtawa nito. May ilang minuto pa ito bago nakarating sa sasakyan. Nasa backseat na kami, sumandal ako dito.

"Tired?"

"A little bit."

"I told you, wag ka ng makialam sa kusina. Ang kulit mo."

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon