"Arriba! Arriba! Letranista! Arriba!" Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw dito habang pinapanood ang laban ng dalawang panig.
"Stop muna tayo tangina nawawalan nako ng boses!" Si aries habang padabog na na naupo. Ganun din kami.
Finals ngayon kaya todo sigaw kami, nang makalamang ang kabilang panig.
"Tangina lamang na sila!" Sigaw ko habang nakatuon sa score board. "Letran ball! get That ball putcha kunin niyo ahhh!! Ayan naaaaa kyahhh!!! Ahhhhh!!!!! Goooo!" sigaw ko. Nang huminto ako hindi ko inaasahang tumabi sakin si athena yung bagong transferee samin.
"Pwedeng maki tabi?" sabi niya. tinuro ko ang upuan at ngumiti siya.
"Mag cheer kadin sister nang manalo ang panig natin!" Sabi ko habang nakaupo siya. kinalabit ako ni jamie.
hanggang sa manalo nga ang letran. naghiyawan ang mga estudyante napatayo kami ng maayos nang kantahin namin ang hymn ng letran. As asual. Lypsync kami dito. Pero narinig namin si athena na kumakanta at buo niya kinakanta yung lyrics.
"Kabisadong kabisado siz ah. Haha" sabi ko nang matapos ang kanta. Ang weird te ah
"a-ah---" naputol ang sasabihin niya ng hatakin ako ni jamie papalabas ng arena.
"Bilisan natim baka maraming uminom sa pad's!" Si jamie habang pababa kami ng escalator.
"Inom na inom ka naman te, nagmamadaling madiligan ng taga san beda ha." sabi ko at ngumisi siya.
"Eh ikaw excited kumain ng saging ng sanbeda tama ba HAHA!" singit ni aries.
"mga ulol, ako magpapakain sainyo ng saging." sabi ko at tumawa silang dalawa.
pagkarating namin agad kaming nag order ng apat na cocktail tower, sa tagal na pinagsamahan naming tatlo. Si aries ang hindi nalalasing habang ako naman ang pinaka talunan kumbaga. Pero malakas ako uminom noh!
Naubos namin ang apat na tower at, ramdam ko na natamaan nako. Pero hindi ako nagpatinag. "Order pa kayo ng apat ang hihina niyo!" sabi ko tumayo si aries para magorder.
"hi miss." bati ng isang lalake kay jamie. Nakasuot ng t-shirt ng san beda kaya napangisi ako, medyo nahihilong tumingin sakanya si jamie. "can i?" sabi ng lalake at inilahad niya ang kamay kay jamie.
Tinayo ko si jamie. "Wag ng pabebe te, gusto mo din madiligan eh" bulong ko sa tenga ni jamie at pinakawalan lang niya malaking ngisi.
Nilagay ng waiter ang apat na tower ng cocktail.
"Asan na yung nag-order nito kuya?" Sambit ko habang tinitignan siyang naglalagay ng yelo.
"pumasok po sa loob ng bar sir, ang sabi niya pakihatid na lang dito. Sambit niya at umalis.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...