kabanata 16

10 3 0
                                    

"Walang hiya!"



lumapat ang mabigat na kamay ni ginang montecarlos sa kaliwang pisngi ko.






"isa kang kahihiyan lalo na sa pamilya ng kasintahan ni Athena!"






"Paumanhin." usal ko. hindi ako makatingin sakanya kahit kay Athena na nakayuko lang.









"hindi magandang pangitain ito ginoo nawalan ako ng tiwala sa isang tulad mo. sinisira mo ang pakikisama ko sa iyo!" sigaw niya. "paki handa ang gamit ni condez aalis siya sa pamamahay na ito."










kumilos ang lahat ng katulong, nanatiling nakayuko si Athena.
binaba ng mga katulong ang gamit ko, masyado ako naguguluhan. parang importante sakanila ang pagmamahalan ng dalawa!












kusang bumalik ang nga sinabi sakin ni Athena. hindi ko alam kung natatakot siya. sabi niya hindi niya ako iiwan! Anong nangyayari sakanya ngayon.






"paalam, magkikita pa tayo Athena."







lumabas ako atska sumenyas sakin ang driver ng kalesa nila Athena. mabilis akong lumapit sakanya.








"naiintindihan ko ang sitwasyon mo ginoo, kaya halika sa amin ka na muna tumuloy." usal niya, ngumiti ako.











Sumakay ako sa kalesa at mabilis kami nakapunta sa bahay niya, nahiya ako nang makita ang liit ng bahay niya.









"mukhang makakasikip lang ako maghaha---" naputol ang sasabihin ko ng buhatin niya ang mga gamit ko.












"Para niyo na din akong ama kayong tatlo.lumaki ang dalawa ng walang ama, kung kaya't ako tumayo bilang isang ama. At natutuwa ako ng dumating ka sa buhay ko." usal niya at iniwan akong nakapako sa kinauupuan ko.










Hindi ko alam na ganto pala ang turing ni mang tony sa dalawa at natutuwa ako na kabilang ako sa isa sa mga tinuturing niyang anak.










Pumasok ako sa sarili niyang bahay at bumungad sakin ang maliit na espasyo. hindi ko maiwasang mahiya dahil andon ang mga anak niya.








"Andito ang ginoong condez, ayusin ang bakanteng silid." sambit niya at binaba niya ang gamit ko. nahiya akong umupo at umaktong nililibot ang mata sa bahay niya.









"Sa tagal ko namamahala ng kalesa sa pamilya montecarlos. Nakapundar ako ang ganitong bahay. At natutuwa ako kahit ganito kalaki lamang," ngumiti siya. Ganun din ako. Naaalala ko sakanya si daddy!











"natutuwa ako dahil ang buti ninyo mang tony, naaalala ko sa inyo ang ama ko." ngumiti ako.










"alam kong nagmula ka sa bagong henerasyon ginoo, alam ko ang nararamdaman mo dahil halos mag-iisang taon ka ng wala sa pamilya mo." usal niya dahilan para ma realized kung gaano na pala ako katagal sa mundong to.









"maraming salamat, isa itong malaking utang na loob." sambit ko.








"wag kang mag-alala tanging si binibining Athena at ginoong Carlos lang ang makakaalam na nandito ka sa pamamahay ko." usal niya. "tutuloy na ako at mag tatrabahong muli."







Nagpaalam siya sa mga anak niya at lumabas ng bahay. tumingin ako sa mga anak niya at ngumiti lamang sila sakin.









"paumanhin dahil magulo ang aming tanan." usal ng isang babae. Parang mga nasa seven-teen na ito parang siya ang panganay.








"Ayos lang, napakaganda ng inyong bahay. Laking pasasalamat ko sa ama ninyo." usal ko. "Anong mga pangalan niyo?"








"Ako po si maria ang bunso sa amin."





"Ako naman po si Angelo nagagalak po kami na makilala ka, pangalawa po ako sa aming magkakapatid." Nilahad ng batang lalaki ang mga palad niya at agad ko iyon tinanggap.






"At ako naman po si angelita, ang panganay sa magkakapatid, ako din po ay nagagalak dahil nabanggit ng ama sa amin na isa ka sa mga pamilyang montecarlos." sabi ni Angelita.







"kayo ba ay nag-aaral pa?" usal ko habang hinahain ni Angelita ang pagkain nila.







"opo, sa letran po kami nag-aaral magkakapatid" sabi Angelto dahilan para manlaki ang mga mata ko. What?







"Bat nanlaki ang nga mata mo ginoo?" Tanong ni Maria.







"Wala, natutuwa lamang ako," sabi ko.






"nais na namin makarating ng kolehiyo upang mag-aral na sa unibersidad ng santo tomas, nais ko ng kumuha ng medisina para masuklian ko na ang paghihirap ng ama sa amin." sabi ni Angelita at binigyan niya ako ng hinanda niyang pagkain.







Natutuwa ako dahil sa mga panahong ito, may nangangarap na agad na mga bata para masuklian ang mga paghihirap ng magulang, na guilt ako masyado dahil iba sa kanila ang ginagawa ko sa henerasyon ko.







"Sa tuwing nakikita ko ang binibining athena, nabubuhayan ako mag-aral dahil isa sa si binibining Athena sa mga edukado." sambit ni Angelita.








"bago ang wangis mo ginoo, ang tanging alam ko lang ay si ginoong carlos at binibining Athena lamang ang magkapatid ngunit isang balita ang hinatid ng ama sa amin." si angelo.







"hindi ako kapatid ng binibini, at ginoong montecarlos." sambit ko at nanlaki ang mga mata nila.






"Kung gayon? sino ka." Tanong ni maria.






huminga ako ng malalim. "Paumanhin, mahabang kwento."








Tumango-tango sila. At ako naman ay umaktong uminom ng tubig at nag presinta na ako na lang ang maglilinis ng mga pinag-kainan.











Kinabukasan ay agad akong bumangon sa kinahihigaan ko. Bumungad sakin ang ganda ng araw kaya napangiti ako ng bahagya. Natutuwa ako dahil makikita ko sa unibersidad si Athena!







Agad akong nag-ayos lumabas ng kwarto, nadatnan ko silang kumakain ng umagahan. nakangiti sila sakin.








"Magandang umaga ginoo, hindi muna naabutan ang ama dahil lagi siyang maaga para sa kanyang trabaho." sambit ni angelita.








"sino nga pala naghahatid sainyo para pumasok sa paaralan." sabi ko. Hinigop ko ang kainit na sabaw.









"kami lamang, hindi naman kalayuan ang paaralan dito ginoo." sabi ni Angelita.









"Nais ko magpresinta upang ihatid kayo sa paaralan. Nais ko lang makita ang letran." sabi ko.









"Talaga?! maraming salamat ginoo!" Sigaw ni Maria na bakas ang tuwa sa mga mukha ganun din si Angelo at Angelita.







Lumabas kami ng bahay at mukhang tuwang tuwa si Maria. naglakad kami ng hindi kalayuan at bumungad sakin ang maliit na paaralan.









"Ito naba ang letran?" sabi ko habang nakatingala sa ikatlong palapag nito.












"Oo ginoong condez, ito na nga." ngumiti si Angelita. Pumasok na siya kasama ang dalawa.









Natutuwa ako na nakita ko ng personal tong letran! Natutuwa ako na dinala ako ng tadhana sa ganitong henerasyon. ngumiti ako atska umalis doon dahil maghuhuli na ako sa klase.

----------------------


HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now