"lagi ka na lang talo sa palarong ito Carlos!"
Natalo si Carlos sa isang laro ng bilyar! Nagulat ako dahil sa panahong ito ay may bilyar na pala! pero ibang-iba sa bagong henerasyon. Nakapalibot kami table ng bilyar. Hanggang sa.
"Ang susunod na gusto ko ay si Angelito at si..." sambit ni Carlos at napunta ang paningin niya sa akin. "At si Condez."
Halos tumuon ang lahat ng paningin sakin, habang si Angelito ay bakas din sakanya ang pagka-gulat. Hindi ako handa! Baka mali ang mga mapasok ko!
"Sarguhin muna Angelito." Si Carlos. Kumuha ng tipa si Angelito at sinargo ito ng hindi man lang kumukuha ng pwersa.
"Kulay pula ka Condez, habang si Angelito naman ay dilaw." usal ni carlos. Agad ko naman na gets.
Nakakalat ang mga bolang pula at dilaw, habang ang itim ay nag-iisa! ngumisi ako nang hindi mapasok ni Angelito ang bola. kumuha ako ng tipa at kiniskis iyon.
Hanggang sa mapasok ko ang pulang bola. Naghiyawan ang mga tao habang si Angelito ay bakas ang pagka inis. Tumingin ako kay Athena. Nakatuon lamang siya sa mga bola.
"Magaling ka Condez." sambit ni carlos.
"Natuto lamang ako noon Carlos." sabi ko. Habang nadatnang napasok ni Angelito ang pangalawang bola niya!
Humalukipkip ako bago ko itinira at muling pumasok iyon! at muli akong kumuha ng pwersa at Mabilis na napasok ulet ang pang-apat na bola.
"Angelito, kaya mo pa bang humabol?" sambit ni Carlos habang ang nga bola niya ay nasa apat pa!
Hindi ito pinansin ni Angelito at hindi niya napasok iyon, umiling siya at tumingin sakin habang kumukuha ng pwersa.
"Tapos." sabi ko habang tinira ang itim na bola.
Naghari ang sigawan, kasama na don si Rose at ang mga kamedisina niya. Habang si Athena ay nakitang nakangiti lang sa akin. Assuming lang ako. Dahil pinuntahan niya si Angelito at binigay niya ang baso na may laman ng alak.
"Maraming salamat sa pag-punta ginoo." Usal ni Carlos habang nasa likod niya si Athena at Angelito.
"Walang-anuman magkita na lamang tayo sa unibersidad bukas." Sabi ko at sumakay sa kalesa ni many tony.
"Salamat" sabi niya at lumapit siya sa akin at bumulong. "sabi ko naman sayo, gagawin ko lahat para humanga ang kapatid ko sayo."
Ngumisi ako at tumingin sa dalawa na nasa likod ni Carlos. "Paalam binibining Athena."
"A-ah. Salamat sa pagdalo condez, mag-iingat kayo." Sambit niya.
Ngumiti ako atska, hinampas ni mang tony ang kabayo para magsimula itong lumayag. pagkauwi namin ay mabilis akong nagpalit ng damit dahil sobrang init ng suot ko!
"mga bata, mamamimili lamang ako ng kakainin ninyo ngayong gabi maiwan ko muna kayo kay condez."
"Ako na mang tony, masyado po kayong napagod kung kaya't hayaan ko na gawin ko ito." sabi ko.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...