kabanata 10

20 2 0
                                    

"Nasaan si Athena?" hindi ko maiwasang itanong si carlos nasa kaligitnaan siya ng pagiinom








"lumabas ang kapatid maulan sa labas kung kaya't sundan mo" usal niya habang nilalagok ang alak








Wala akong payong! Atska ba ako nagmamadali hanapin siya matapos halikan ako ni rose? iniisip ko talaga na nagseselos siya!






Lumabas ako at dahil sa pagkataranta ko nagpakabasa ako sa ulan at hinanap si Athena!









"Athena!" usal ko habang sumasalubong ang hangin sakin hindi ko maiwasang lamigin.








Masyado ng gabi hindi ko na alam ang oras, tanging ihip ng hangin at buhos ng ulan ang naririnig ko.






"A-athena?" sambit ko at tumakbo, alam ko siya yon wala siyang payong! "bat ka lumabas ng walang payong!?"






"Ginoo hayaan mo muna ako mag-isa." usal niya.











"Baliw kanaba? Umuulan! magagalit si carlos sakin atska yung nanay mo!" Sigaw ko. Hinatak ko siya sa gilid dahil madaming kalesa ang dumadaan.








"Condez hindi ko alam ang nararamdaman ko!"  Usal nito. Hindi ko alam sang sinasabi niya.










Masyadong malakas ang ulan.







"Ano bang sinasabi mo? Halika na at umuwi na tayo!"






"ginoo, paumanhin masyado ako nabagabag sa nararamdaman ko hindi ko alam ang nararamdaman ko para sa iyo!" Sigaw niya sabay nito ang pagbitaw niya sa akin.








"Hindi ko alam ang sinasabi mo Athena," bulong ko. Ayoko marinig ang sasabihin niya.









"Condez, paumanhin may gusto ako sayo." Usal niya dahilan para magulat ako.








"Sinasabi mo lang yan dahil nagkakasama tayo!" Sigaw ko. Basang-basa na kami.







"Alam kong mabuti ang iyong puso ginoo! at yun ang nakikita ko sayo!" sigaw niya hinawakan ko siya sa magkabilang braso.









"Athena, matagal ko ng sinasabi sayo na hindi ako nagkakagusto sa isang babae!" sigaw ko, masyado naging seryoso dahil hindi kona alam ang nangyayari sakin.





Maging ako nagtataka na sa nararamdaman ko. Hindi ko alam.







"ginoo, kaya mo pading magmahal ng isang babae! hinalikan ka ng isang binibini kaya mo ngang humagkan ng isang dilag." Usal niya dahilan para mapahawak sa sariling sintido








"hindi ko sinasadya ang nangyari kanina." Usal ko "look, athena natatakot ako na baka sa ilang sandali lamang ay magkagusto sayo!"







"Bat ka natatakot, ginawa ka upang magmahal ng isang babae hindi sa kapwa mo ginoo!" usal niya napako ako sa kinatatayuan ko.







Aalis na sana siya nang hawakan ko ang palapulsuhan niya at hinarap sakin. hindi kona alam ang ginagawa ko.  patuloy padin ang pagbuhos ng ulan.





"hindi ko kayang mahalin ang tulad mo paumanhin." Usal ko at hinalikan siya sa noo.




"sinasabi mo lang yan ginoo dahil duwag ka." usal niya at umalis sa harapan ko unti-unti na siyang nawala sa paningin ko.









HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now