minulat ko ang sarili kong mga mata atska ito iginala. napapikit ako ng bahagya nang niluwa ng bintana ang sinag ng araw.
"nasan ako." sabi ko sa kawalan. masyadong makaluma yung bahay. and yes sobrang luma! nasan ba ako.
hinawakan ko ang noo ko ng maalalang nalasing ako kagabi. Sobra. hindi ko na alam ang nangyari simula nung iniwan ko si keno sa bar. masyado ako naging kampante!
"gising kana pala ginoong condez, inumin mo itong sabaw."
halos mapalingon ang buong katawan ko nang makita si Athena na pumasok sa kwarto. naka pusod ang sariling buhok nakasuot ng saya habang buhat-buhat ang sabaw.
"Athena? nasan ako, san moko dinala.?" Usal ko atska itinanggi ang binigay niyang sabaw. masyado akong kinakabahan.
"nakita kitang nakahandusay sa sarili mong karwahe kagabi ginoo, sugatan." sambit niya atska ako tumingin sa sarili.
may mga nakabalot dito, at hindi na nararamdaman ang sakit. nabangga ako kagabi? tangina!. "sinusundan mo ba ako? san moko dinala Athena sumagot ka!" usal ko.
Atska binuksan niya ang bintana, bumungad samin ang sinag ng araw. halos mapaupo ako sa kama nang makita ang mga tao! may mga kalesa atska nakasuot ng mga makalumang damit. Tangina!
"A-athena ano to." usal ko. Inilagay niya sa isang tabi ang tas atska ako inharap.
"hindi ko alam ang gagawin ko ginoo, masyado ako naging pariwara, naghanap ako ng tulong ngunit masyado ng gabi nang mangyari iyon." usal niya habang ako ay nakatayo.
lumabas ako ng kwarto kung saan niya ako nilagay, nagulat ako ng bumungad sakin ang napakalaking bahay! hindi ko alam na ganito ang bahay niya! Sinundan ako ni Athena.
"Asan ang lagusan papalabas dito Athena, kailangan ko ng umuwi i have so many appointments today. andami kong ipapasa sa school!" sabi ko habang bumaba ng hagdanan.
"hindi kana maaari makalabas dito. paumanhin ginoo." sabi niya at doon ako lumapit at hinawakan ang braso niya. nagagalit ako! Nang marinig na hindi na ako makakalabas sa mundong to!
"hindi pwede! sana hinayaan muna lang ako nung nabangga ako! Masyado ka kasing mabait! dapat hindi muna ko dinala dito Athena!" usal ko habang siya ay patuloy na lumuluha.
"paumanhin ginoo nais ko lamang tulungan ka. nais ko lang ibalik ang mga ginawa mong mabuti sakin." sabi niya at binitawan siya, dahilan para mapaupo siya. napahawak ako sa sarili kong sintido.
"hindi muna man kailangan suklian lahat Athena! paano na?! pano na!" sabi ko atska lumabas ng bahay, at hinayaan ang mga paa na maglakad kung saan.
umihip ang sariwang hangin habang ang mga tao ay nakatuon sakin, halos ang nga napapadaan ay tumitingin sakin. tumingin ako sa sarili ko, nakasuot pako ng polo at naka tack-in sa maong! umiling ako atska umupo sa kung saan.
"masyadong makabago ang tela ng suot mo ginoo."
lumingon ako sa nagsalita. iniwas ko ang tingin ko dahil naiinis ako! ang pogi! sino bato? dapat nagiinarte ako dito ngayon. hindi para ma fall sa mga tao dito!
"You dont care, hindi ako taga dito." sabi ko atska naramdaman ang yapak niya at naramdamang tumabi sakin.
"pagpasensyahan muna ang kapatid ko ngunit nais niya lang tumulong sa mga taong labis ang pag tulong sakanya ng sobra." usal niya atska ako tumingin sakanya.
Ang gwapo ng kapatid ni Athena infairness!. Pero hindi ako magpatinag sa kagwapuhan niya. "San ba ang labasan dito. kailangan ko malaman. madami akong gagawin sa kabilang henerasyon." sabi ko atska tumayo.
"Carlos! handa na ang tanghalian, yayain muna si ginoong condez!" sigaw ng isang babae mula sa nilabasan ko kanina.
tumayo din si carlos atska ako niyayang pumasok sa bahay nila ulet, masyado akong kampante kailangan ko umalis kagad dito! hinahanap na ako ng mga magulang ko jusko!
Pumasok ako atska bumungad sakin si Athena atska ang nanay niya na naghahanda ng pagkain. ang ganda ng kitchen nila. Ito ata ang mga mamahaling gamit noon!
"ginoo, maaari ka ng umupo" usal ng nanay ni Athena, umupo ako atska umupo si carlos atska sa Athena. ang awkward! magkatapat kami ng nanay ni Athena habang si carlos at Athena ay nasa mag-kabilang gilid.
"Paumanhin ginoo sa ginawa ni Athena, alam kong nais niya lang tumulong." sabi ng nanay niya nanatili akong kumakain. si Athena ata ang pinaka mabait sakanila.
"kailangan ko pong makalabas dito, madami po akong kailangan gawin sa amin." sabi ko at halatang naguguluhan sila sa sinabi ko.
lumingon si carlos kay Athena, at hinihintay niyang magsalita ito. "nasan ang libro Athena." sabi niya atska siya tumigil. hindi ko alam ang pinag-uusapan nila!
"nawala ito habang akay-akay si ginoong condez, masyado ako naging iresponsable ng mga oras na iyon" sabi niya atska padabog na ibinaba ng nanay niya ang hawak.
"paano na! hindi ka nagiingat! hindi ka marunong gumawa ng diskarte Athena!" tumayo ang nanay niya atska sinampal si Athena dahilan para mapasapo siya sa kanang mukha niya.
tinigil ko ang ginawa at tumingin kay Athena na nakayuko lang. Alam kong umiiyak siya. nagsalita si carlos.
"ina, tama na. hindi kaya ng isang binibini magbuhat ng isang ginoo habang ang libro ay akay-akay pa niya." sabi ni carlos.
"nakakabastos tayo sa sariling hapag-kainan, at mas lalong nakakahiya sa ginoong kaharap natin. ipapahanap kona lamang ang libro sa mga trabahador" usal ng nanay niya atska umalis sa harapan namin.
"maglinis ka muna ng iyong sarili ginoo, mayroon akong mga gamit na nais mong suotin, sumunod ka sakin." usal ni carlos dahilan para sumunod sakanya.
pumasok kami sa kwarto niya, bumungad sakin ang napakalaking kwarto. binuksan niya ang malaking cabinet at doon nakalagay ang mga damit niya.
"mamili kana lamang sa mga ito." usal niya atska hinawakan ang mga damit niya pati ang mga barong ay mukhang mamahalin.
Pagtapos kong pumili ay pumunta ako ng cr, at umiling. maliligo ako sa sinaunang panahon? masyadong hindi makakatohanan pag kinwento ko kay Aries at jamie to!
hanggang sa dumapit ang hapon ay hindi ako magawang kausapin ni Athena kahit kamustahin man lang. wala pa ako sa huwisyo kumausap dahil. hindi ako makakampante habang ang libro ay nawawala.! naguguluhan ako. pano sila nagkaroon ng libro na makakapagdala sa bagong henerasyon? tss. nakakabobo!
nasa kwarto lamang ako habang nakatitig sa bintana ngayon, napalingon ako sa pumasok at niluwa nito ay si Athena. Ibinaba niya ang dala niya atska akmang lalabas.
"maghanda ka sabi ng ina. dahil bukas ay magsisimba tayo sa baclaran, paumanhin ulit ginoong condez."
-----------------------
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Fiksi SejarahCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...