Bukas na ang birthday ni Athena! pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa escolta mag-isa! masyadong malakas ang loob ko pero kailangan ko bumili ng regalo para kay Athena bukas.
dinala ako ni Athena dito kaya alam ko na ang pasikot sikot dito sa Escolta, pumasok ako atska nag krus ang dalawang braso.
hindi ko alam kung ano ang paborito niyang gamit
hindi ko din alam kung ano ang paborito niyang kulay.
nanatili akong nakatayo habang ginagala ang mata hanggang sa makita ko ang bulaklak sa hindi kalayuan. Nitong mga nakaraang araw nakahiligan ko na din tumingin ng mga bulaklak. ito ang sign na bakla pa din ako! Chz.
mukhang mas mahal dito dahil sabi ni Athena ay lahat ng tinitinda dito ay mamahalin, hinawakan ko ang sun flower atska inamoy iyon, tumango ako ng masatisfy ako sa amoy.
Kinakabahan pa ako kahit bukas pa ang birthday niya, balak ko na din aminin na mahal ko siya! ganito ako ka duwag, sasabihin ko na lang kung ano ang nararamdaman ko sakanya! alam ko naman na si Angelito padin ang mamahalin niya.
Mabilis akong nakauwi sa bahay, mabilis ko itong natago at inilagay sa kwarto. bumaba ako para kumain ng gabihan, kumakain sila kaya naupo ako para kumain na din.
"humingi ng tulong sakin si Athena sa paghahanap ng libro ginoo. Paumanhin kung hindi kita natulungan agad." sabi ni ginang montecarlos.
parang nakonsensya nanaman ako dahil hinahanap na ang libro, parang ayaw pa ng katawan ko umalis sa mundong to!
"Maraming salamat ginang, ngayon palang ay nagpapasalamat ako na nakasama ko kayo." usal ko at ngumiti sila.
Sa totoo lang natutuwa ako na nakasama ko sila. natutunan ko mamuhay sa ganitong henerasyon, nakakalungkot lang kung mahahanap na ang libro, parang mas pipiliin kona lang mag stay dito kasama si Athena!
"natutuwa din kami ginoo, bukas na ang kaarawan ng kapatid ina, nais ko lang mag imbita ng mga kaibigan ko sa medisina paede ba iyon Athena?" usal ni carlos.
"bakit naman hindj kapatid siguradong mas masaya kung dadalo ang mga ka medisina mo." sambit ni Athena.
"mukhang magarbo ang regalo ng ginoong condez sa iyo kapatid....... biro lang."
Napakalaking epal talaga ni carlos! hindi ko alam kung pano niha nakita yung mga dala ko kagabi. Wala naman siya nung pumasok ako. grrr!
"hindi ko naman hangad ang magarbong regalo, nais ko lang maging masaya bukas." tumingin sakin si Athena dahilan para umiwas ng tingin. Umakto akong uminom ng tubig.
Pagtapos namin kumain ay agad akong umakyat sa kwarto para tapusin ang plates, andito din ang gawa ni Athena dahil hindi siya makakapasok bukas abala sila sa paghahanda ng birthday niya kaya ako na lang ang magpapasa.
napatigil ako sa pag-gawa ng may kumatok sa pinto, hindi na ito nagtagal dahil binuksa na niya ito at iniluwa nito ay si Athena. lumapit siya sa akin at inilahad ang baso ng kape kasama ng sobre.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...