"diyos 'ko ano ang ginawa mo Athena!"
Bumalik ako sa huwisyo nang sumigaw ang ina, nabasag ko ang baso. Agad kumilos ang mga katulong. Inalalayan ako ng ina bakas sakanya ang pag-alala.
"Paumanhin, hindi ko sinasadya." usal ko.
"hindi ka dapat kabahan, dapat masaya ka dahil ngayon ang pagdiriwang ng kasal 'niyo ni Angelito." Ngumiti siya,
Ngayon na ang kasiyahan para sa paparating namin na kasal ni Angelito, ngunit parang hindi bakas sa akin ang kasiyahan. may ibig-sabihin ang pagkalagalag ng baso.
"binibini, natutuwa ako na ikakasal ka na." si manang susan. Isa sa mga katulong ko.
Pinusod niya ang buhok ko at inayos ang suot ang malaking suot ko. Ginamit ko ang pabango na ginawa ni Condez, napakahlimuyak nito kaya natutuwa ako sa tuwing gagamitin 'ko ito.
"gamit niyo pa din ang halimuyak ng rosas na ginawa ni Condez?"
"Oo, nais ko lang gamitin dahil wala na akong magamit." Pagpapalusot ko. ngumiti ako at tumayo sa kinauupuan.
"Mahalimuyak padin ang rosas binibini, napakagaling gumawa ng ginoong Condez." ngumiti siya.
"Magaling talaga si Condez."
Iniwan ako sa kinauupuan ko ni manang susan, nakatingin ako sa malaking salamin habang kinikilatis ang malaking saya na suot ko, tumungo ako sa higaan at kinuha ang mahiwagang libro. Nilagay ko sa mga bisig ko iyon.
"ikaw ang mahal ko Condez,"
Bumaba ako ng ilang bahagdan ng mansyon, bumungad ang ina at si Carlos, mukhang nagsasaya sila. nakangiti akong bumaba at yumakap kay ina. Pipilitin ko na lamang maging masaya.
"mukhang masaya ka ngayon kapatid," bungad ni Carlos habang hawak ang isang baso ng alak.
"nagagalak lang ako dahil lahat tayo ay masaya," ngumiti ako atska lumabas ng mansyon,
Sumalubong sa'kin ang daang tao. Ang iba naman ay sinasalubong ako upang bumati. Nakasuot pa'din ang masaya kong wangis, hanggang sa gitna ng kasiyahan.
"Maari ba kitang alalayan aking mapapangasawa?" Nilahad ni Angelito ang palad niya, dahilan para kunin ko ito. "Alam kong kinakabahan ka binibini, ngunit wag kang mag-alala. Andito lang ako."
Umupo kami sa gitna kung saan nasa harap namin ang malaking entablado, kasalukuyang sumasayaw ang mga mananayaw ng intramuros sa harap namin. Isa sila sa pinaka sikat na mananayaw sa pilipinas.
"Walang kupas ang kanilang sayaw." bulong ni Angelito.
"Nagagalak ako na inimbitahan mo sila ginoo." Muli akong tumungo sa panonood.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...