"maaari niyo ng sagutan ang inyong maikling pagsusulit." bungad ni villadolid sa amin. Nakatingin lamang ako sa papel at binasa.
"kelan itinayo ang kolehiyo sa intramuros" basa ko ng mahina at narealized na wala akong natutunan sa mga tinuro niya! atska nilingon ko nilingon si jamie, mukang marami nasasagot
"J-jamie!" usal ko pero hindi niya marinig. nilingon ko ulet siya at sinipa ng bahagya. "J-amie!" usal ko ulet.
Tumingin muna siya sa harapan bago ako sagutin. "A-ano bayon!" Bulong niya pero umirap lang ako atska tinuro yung papel.
"Uctalan ano nanaman ang ginagawa mo?!"
halos magulat ako nang tawagin ako ni villadolid! tumuon ang paningin ng buong klase sa akin.
"nothing, binibini." sabi ko atska tumawa ang iilan. baket sila natatawa?
"ayan ang mga napapala ng patulog-tulog sa klase ko!, kung wala kang maisasagot, pwede kanang lumabas ng silid na ito!" sabi niya atska ito bumalik sa kinauupuan niya.
umirap na lamang ako atska itinuon ang paningin sa papel. Hanggang sa may gumulong na papel sa at tumama ito sa kanto ng sapatos ko. unti unti kong inangat ang ulo ko ng ngumiti si Athena sa akin.
Binuksan ko ang inihagis niyang papel atska nakita ang mga sagot dito! Tumingin ako sakanya ngunit nakatuon na ito sa sariling papel. Wala akong ginawa kundi isagot iyon. wala ng ora para maginarte pa!
"ipasa ang inyong papel. Isa, dalawa, tatlo." usal niya at napapansing ambagal dahil may iba pang nagsasagot. "Apat!" dugtong niya at nagmadali na silang magpasa.
"ang hirap ng quiz putcha!" singhal ni jamie habang papunta kami sa canteen, ayaw nanamin lumabas dahil napakainit daw. "bilang lang ata ang nasagutan ko." Dugtong niya habang pumipili ng makakain.
"sinubukan kong tawagin si Athena ng palihim kaso hindi niya ko naririnig haha." Sabi naman ni Aries hanggang sa makaupo kami at kumain.
"ngapala may susuotin na kayo sa party? Nextweek na yon mga siz!" sabi ni jamie habang hinihipan ang mainit na kanin.
"baka si mommy na lang papiliin ko ng gown ko, wala akong time mamili ngayon," si Aries.
"masyadong maaga pa, baka sa sabado na lang den ako mamili, andami ko ding tatapusin na plates." sabi ko at tumungga ng tubig.
"AYAW MO KASING TUMINGIN SA DINADAANAN MO EH!"
halos mapatingin kami dahil may nagaganap sa harapan namin, masyadong maraming tao kaya hindi namin ito napapansin.
"kala mo kung sinong maganda eh no tignan nga natin!" iling ni Arie atska tumayo.
"Mga chismosa alis! Grrr!" sabi ni jamie habang tinataboy ang mga tao.
"Eh anong ginagawa mo te hindi ba to pang chichismis?" sabi ko habang tumitingkayad para makita kung sino yung nakaupo.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...