kabanata 14

10 2 0
                                    

"kaarawan ni Athena sa susunod na linggo!"












halos takpan ko ng dalawang kamay ang bibig ni nestor dahil umalingawngaw ang boses niya sa library!













"Wag kang maingay!" usal ni eva.















Ngayon ko lang nalaman na birthday ni Athena, nag iimbita din kasi si Athena ng mga kaklase namin para sa darating na birthday niya! Nasa library kami habang ginagawa ang plates habang si Athena ay nakadikit nanaman kay angelito.














Tsk, sana hindi pabayaan ni Athena ang pag-aaral niya! na ngayon ay lagi niyang kasama si Angelito! alam kong hindi siya masaya pag kasama ang Angelito na yon!













pagpasok namin ng classroom agad na bumungad samin ang nag-iingay na mga kaklase namin. andon si Angelito sa loob ng classroom! kasama si Athena.








"nako! iba na talaga ang namamagitan sa dalawa"










"nakakahumaling ang dalawa sana may ganyan din akonh kasintahan!"












"nako nagiisa lang si Angelito at wala ng papantay sakanya!"












halos marinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase namin, umakto akong walang pakielam sa mga nangyayari ngayon!










"natutuwa ako na masaya ang iyong kapatid kay Angelito, siguradong siya na ang mapapangasawa ng binibini!" Si eva.














"HINDI PWEDE!"












halos tumuon ang lahat ng pansin sakin kasama na don si Athena at si Angelito!. Tangina ano ba tong ginagawa ko!















"A-aah hindi pwede i-itong gawa ko napakapangit." pagpapalusot ko dahilan para tignan ni nestor ang gawa ko.

















"Walang bahid ang iyong gawa ginoo, napakaganda nga." nakangising sambit ni nestor!















napukaw ng pansin ng lahat ng pumasok ang prof namin na mataray! Parang si mrs villadolid kung umakto ito! at sumalubong sakanya si Angelito! Lakas ng loob mo ha.













"Ginoo, nirerespeto ko ang pag-ibig mo sa binibining Athena ngunit hindi sa lahat ng oras  ay makikita ko na magkasama kayo" usal ni ginang garcia.














Nakahinga naman ako ng maluwag dahil napagalitan ang mokong nato! Buti nga tanginamo!














nakatuon ang lahat kay Angelito. Bawal pala dito yung nakiki sit-in na jowa dito chos. "Paumanhin ginang garcia nais ko lamang tanungin ang binibini kung ayos lang ang kalagayan niya."













Ha? Mahigit isang oras niyang kasama si Athena tinanong mo lang siya kung ayos lang siya? Gago ba siya?














"pero hindi sa silid na ito. nakakawalang galang ka sa papasok na guro ginoo. ganyan ba ang edukadong mag memedisina? hindi ako naniniwala."










HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now