"hindi ko mahanap ang nais ni ina na tekstura ng gulay," sabi ni Athena habang nasa palengke kami, kinikilatis niya ang gulay na hawak niya.
"hindi kasi ako nagluluto sa bahay namin, at lalong hindi ako marunong magluto Athena!" sabi ko habang buhat ang basket. inilagay niya ang gulay sa basket at tumungo sa kabila.
"ito din ang unang pamamalengke ko condez, nais lamang ng ina na turuan kita sa ganitong buhay." usal niya habang nilagay ang ibinili niya. "saan mo nais kumain condez?"
"Aba, ewan ko! hindi ko alam mga pasikot-sikot dito kaya aag kang humiwalay sakin." usal ko habang siya ay nakatitig sakin. nagulat ako ng nilapit niya ng bahagya ang sarili.
"hinding-hindi kita hihiwalayan ginoo." Ngisi niya at iniwan akong nakapako sa kinatatayuan ko.
Tangina! hindi sa pag-aasume pero parang may crush sakin si Athena pwes, no no no no! bakla ka cliff!
"ito ang paborito kong sorbetes simula nung bata pa ako, sigurado ka na ito lang ang gusto mo?" usal niya habang kinakain ang sariling ice cream.
"Kakain naman tayo sainyo, ngapala tutulungan mo ba ako sa paghahanap ng libro?" sabi ko, kanina habang papunta kami dito pinag-usapan namin ang nangyari kagabi!
"tutulungan kita ginoo, paano kung nahanap mo iyon babalik ka?"
"ano bang tanong yan? siyempre oo! madami nang naghihintay sakin sa henerasyon ko!" sabi ko habang kinain ng mabilis ang apa ng ice cream.
"Binibining Athena, himala namamalengke ang isang mayaman na tulad mo haha." mabilis napawi ang paningin namin ng may pumunta harapan namin, naka besdita at naka make-up si ghorl.
"nagpresinta ako dahil masyado ng napapagod ang nga katulong sa mansyon." Pagpapanggap ni Athena, bumalandra sakin ang mga titig ng babae.
"hindi ko din alam na may kasintahan ka. matipuno, hmm alam ba ito---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ako.
"hindi kami magjowa hoy! este.... hindi kami m-magkasin-ntahaan! Oo!" utal na sabi ko dahilan para tumawa ang babae.
"gusto ko ang iyong ugali ginoo, ako nga pala si rose" usal niya at inilahad ang mga palad niya sa akin.
Makikipag-kamay na sana ko pero pinigilan ito ni Athena! "halina't ginoo masyado ng mainit hindi na bagay manatili sa gawing ito."
hinatak niya ako papuntang kalesa, ngumisi ako ng malaki at hiniwalay ang sariling braso! "nagseselos kaba te? Hahaha!"
malakas ang tawa ko dahilan para kumunot ng malaki ang kanyang noo, masyadong pikon!
"hindi ako nagseselos! maiwan ka diyan!" sabi niya at binuhat ang laylayan ng saya, agad ko naman ginuha ang braso niya at inilapit ko ang mukha ko sakanya, wala ginaya ko lang siya!
"hinding-hindi ako hihiwalay sayo BiNibInInG Athena" usal ko at ngumisi ng malaki.
"inaanyayahan tayo ng pamilya cortez sa munting kainan mamayang gabi kung kaya't maaga kayong mag-ayos" sabi ni carlos habang nasa gitna kami ng kainan
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Fiksi SejarahCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...