"Magandang umaga Condez."
ganda ng gising ko dahil sa bungad ni Athena! Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan kong nagluluto siya ng umagahan. nakangiti siya habang ginagawa niya 'yon.
"Masyadong napapadalas ata ang pagpunta mo dito,"
"Nais ko lang malaman kung ayos lang ang kalagayan ng ginoo na labis ang pagmamahal ko." kinuha niya ang niluluto niya atska niya inilagay iyon sa lamesa!
Ngumiti ako nang maamoy ko ang niluto niya! hindi ko alam na marunong din pala magluto si Athena. masaya naman ang tatlong bata dahil nandito nanaman ulet si Athena! Nakakailang tuloy. Tsk.
"nais niyo bang ipasyal namin kayo ng ginoong Condez?"
Napatigil sa pagkain ang tatlong bata sa harapan namin. nagkatinginan silang tatlo atska bumaling ulit sa amin ang paningin nila.
"Opo!"
Dahil sa magandang sinabi ni Athena ay mabilis silang kumain at nag-ayos ng sarili! Mukhang nagmamadali sila at gusto ng umalis.
"Nagagalak kami na ipapasyal niyo kaming dalawa, siguradong magiging masaya kami!" usal ni Angelita habang hawak niya ang kamah ng dalawang bata.
"Eh, gusto kayo ipasyal ni Athena wala akong magagawa." nagkrus ang braso ko habang nakanguso naman si Athena.
"Ano ang ibig mong sabihin, ayaw mo kasama ang mga bata?" umirap siya sa akin.
Lumapit ako ng bahagya, nagulat naman siya sa ginawa ko, nakangisi ako habang nasa kalagitnaan kami ng daan papunta sa parke.
"Kasi, ikaw lang ang gusto ko makasama habang buhay." ibinalik ko ang sarili sa pag-kaupo matapos kong sabihin yon! Pogi points ka nanaman Condez!
Mas lalong lumaki ang ngisi ko nang ngumiti siya at halatang pinipigilan ang kilig. Humiga siya sa balikat ko at dumampi sa amin ang simoy ng hangin.
"Maraming salamat Condez," humawak siya sa kamay ko, at alam kong nakangiti siya ngayon.
"hindi ko alam ang dahilan ng mga ito Athena." usal ko. natatakot ako na baka panandalian lamang ang mga ito.
Alam kong nandito lang siya dahil wala si Angelito ngayon, wala sa ngayon ang nagpapasaya sakanya. pero sana hindi ganon si Athena.
"Nandito ako upang bumalik kung san ako unang nagmahal ng lubos." Umalis siya sa balikat ko at tumingin sa akin. "At ikaw yon Condez."
Bumaba kami ng kalesa habang ang mga bata ay nauna na sa amin maglakad! masyado silang masaya, mukahng matagal na silang hindi nakakapasyal dahil busy si mang tony o kaya, busy sila sa pag-aaral. bakas sakanila ang pagkatuwa.
"Mukhang masaya ang mga bata." Nakatingin siya sa mga bata habang nakaupo kami sa damuhan.
"Mas masaya kung anak natin ang nga yan." nakangisi ako habang sinasabi ang nga katagang 'yon.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Fiksi SejarahCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...