kabanata 12

11 2 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang sinag ng araw, kinusot ko ang mata ko at tumingin sa orasan. ala-una na ng hapon at mamaya na yung party sa UST!









nakalimutan ko na may party pala sa UST mamaya dahil tinapos ko pa ang mga plates ko dahil ipapasa ko ito sa susunod na linggo! naghahabol pa ako kahit tapos na ang first sem!









bumaba ako ng ilang palapag at naririnig na sumisigaw ang ginang montecarlos, sinisigawan niya ang mga manggagawa.










"kulang ang mga ginawa ninyo kahapon! alam kong nais niyo umuwi ng maaga ngunit sana ah tinapos niyo ang bilang!"










bumaba ako at uminom ng tubig, dahil umaalingawngaw ang boses ng ginang. ang mga katulong ay nasa isang gilid lamang habang si carlos ay nasa likod ng ginang montecarlos.










"Paumanhin ginang montecarlos, kami na lang po ang maghahatid ng maayos"















"Ina, tama na. Tinapos naman namin ni ginoong condez ang kulang kahapon kung kaya't dapat wala na kayong ipagaalala." usal ni carlos at umakyat si ginang montecarlos sa kwarto.









Huminga ng malalim si carlos bago magsalita.











"pagpasensyahan muna ang ina ganun lang talaga kahalaga ang iniwan ng ama sa amin." usal niya habang ako ay nagkukunwaring naghuhugas ng baso na ginamit ko.












"ayos lang, ako na lang ang magluluto ng tanghalian natin" sabi ko at ngumiti si carlos.













"Maraming salamat ginoo, mukhang dumidiskarte ka sa kaptid ko ha?" sambit niya.














Gago ba siya? hindi ko lang siya mamura dahil hindi ko alam ang salitang gago dito sa henerasyong ito.














"hindi, nais ko lang pagaanin ang loob ni ginang montecarlos, kaya ako na lang ang magluluto." usal ko.















Nagluto ako ng sinigang. hindi ko alam kung uso ba ito sa henerasyon na ito. eto lang kasi ang alam kong lutuin tsk.















Hinain ko ang sinigang sa lamesa at mukhang tuwang-tuwa sila. pati ang mga katulong ay kumuha sila para kumain.














"masarap magluto ang ginoo." usal ng ginang na ikinangiti naman namin.













"natutunan ko lamang ito sa henerasyon namin ginang montecarlos, nais ko lamang ipatikim sainyo." usal ko.
















"mahusay. pwede na mag-asawa." Usal niya at tumingin siya kay Athena "biro lamang."














Grrrrr! Bat ba laging awkward sa tuwing kasama ko si Athena? Wala kong magagawa ito ang sinasabi ng puso ko!














"dadalhan ko si Angelito ng luto ni condez siguradong masasarapan iyon" ngiti ni Athena.















Oo dalhan mo siya! Para alam niya na hindi niya kayang magluto, at umaasa lang sa mga katulong tsk.










"parating na ang ginoong Angelito. maghahanda lamang ako ng sususotin ko para sa pagtitipon sa unibersidad mamaya." usal ni Athena. "Natuwa ako sa niluto mo ginoong condez."







HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now