"kailangan na nating makaalis Condez!"
sa bawat yapak na ginagawa namin ay isang tagatak ng pawis ang sukli nito, habol-habo namin ang aming hininga habang hinahabol kami ng mga sibil. hanggang sa...
"Ahhhhh!" huminto kami ng mapatid si Athena sa maliit na bato. pumantay ako para matignan ang sugat niya.
"halika dito." usal ko
"hindi Condez, maiwan nako dito. ikaw ang pakay ng mga sibil. Eto." binigay niya ang libro sa'kin. "lumabas kana ng mundong ito!"
"hindi pwede Athena! isasama kita." bubuksan ko na ang libro nang kay Athena.
kinuha ng nga sibil ang balikat ni Athena habang ang libro ay nasa palad niya. sinubukan kong lumaban sa mga sibil pero nabigo ako. hawak ang palapulsuhan ko at sumulpot sa harapan namin si Angelito.
"mga lapastangan!" sigaw niya
Inangat ko ang ulo ko nang hawakan niya si Athena sa mukha. bakas kay Athena ang sakit na hawak ng mga sibil. wala kaming laban ngayon dahil napaka lakas ng mga sibil na ito.
"Paano mo nagawa sa'kim to Athena? pa'no!" tumulo ang luha ni Athena habang walang emosyong nakatingin kay Angelito.
"P-paumahin." usal ni Athena.
halos pumiglas ako nang lumapat ang palad ni Angelito sa kaliwang pisngi ni Athena. pumiglas ako sa pagkahawak pero hindi ko magawang labanan!
"Walang hiya ka! Ako kalabanin mo! Isang binibini lang ba ang kaya mo?!" sigaw ko, namuo ang galit at dumaloy ito sa buong katawan ko.
"Andyan ka pala Condez, masaya kaba nakasama mo ang pinaka mamahal na asawa ko?" ngumisi siya at lumapit sa direksyon ko.
Nawala ang pagkaalala ko nang nawala ang paningin niya kay Athena at sa'kin naman siya ngayon pupunta. nakayuko lang ako pero kitang-kita ako ang pag tapak niya sa lupa habang papalapait sa akin.
"itigil muna 'to Angelito, kung mahal mo si Athena. rerespetuhin mo ang damdamin ng binibini." sabi ko.
"gusto mo ba ng isang sorpresa ginoo?" mas lumaki ang ngisi niya.
Lumakas ang pagtibok ng puso ko matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. hindi ko maiwasang matakot, alam kong lahat pwede niyang gawin.
Mabilis kong iniangat ang ulo ko nang marinig ko ang tinig ng tatlong bata! nasa harapan ko ngayon ang mga bata, nakagapos sa mga kamay ng mga sibil. nasa likod naman nito si mang tony.
Walang anumang tinig ang dumaloy sa mga bibig ko. kailangan ko silang maligtas lahat! luha lamang ang dumaloy sa mata ko habang nakikita ang pag-gapos sakanila ng sibil.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...