"ginoo kung ayaw mo daw kumain ng umagahan, magbaon kana lamang daw ng almusal sabi ng ginang montecarlos."
hinayaan ko lang ang sinabi ng katulong mula sa labas. nahihiya ako bumaba hindi ako alam! Panigurado, nakita ni Athena yung bulaklak.
nakatingin ako sa salamin habang suot ang uniform, inayos ko ito at huminga ng malalim. "hindi mo gusto si Athena"
bumaba ako ng ilang palapag at hindi inaasahan na nandoon si Angelito nasa tabi ni Athena. mukhang malakas na si Athena at natuwa naman ako ng kaunti doon.
"paalis na si Carlos sumabay kana condez, dahil sasabay si Athena kay Angelito." usal ng ginang at binigay niya sa akin ang plastic na naglalaman ng pagkain.
ngumiti ako at lumabas ng bahay, hindi ko kayang kausapin si Athena ngayon. alam ko naman na safe siya dahil anjan naman si Angelito.
nang makarating kami sa UST mabilis akong bumaba at nagpaalam kay carlos na mauuna na, wala akong ganang pumasok sa classroom at tumabi kay nestor. siya lang naman ang naging close ko nitong mga nakaraang araw.
"anjan na pala si Athena kasama si Angelito, kaya pala wala ka ng kasabay pumasok ginoo." usal ni nestor. Tumingin ako sa labas at nakitang nag-uusap ang dalawa hanggang sa pumasok si Athena sa classroom at tumabi samin nila nestor.
iniwanan kami ng gagawin sa architecture. hindi ako makapag-isip ng gagawin sa plates dahil ang awkward ng sitwasyon namin ni Athena!
"ano ba ang nais mong iguhit condez, hindi kanata makapag-isip ng maayos." si nestor, kokopya na muna ako sakanya kaya? kukuha lang ako ng idea tsk.
Tumunog ang kampana hudyat na lunch nanaman, mabilis na lumabas si Athena kasama si Angelito habanh ako ay patungo sa library para tapusin ang plate wala akong ganang kumain talaga. grrrrr.
"Condez may nag-iwan ng pagkain mula sa upuan mo," usal ng isa sa mga kaklase namin nakita ko ang pagkain doon at isang sobre.
Binuklat ko ang sobre at binasa ang nakapaloob doon.
------
Ginoong Condez
Hindi ko alam ang dahilan ngunit sana maging maayos tayo, masaya na ako. wag kang mag-alala.
-------
Tinago ko ang sobre sa bag pati ang pagkain na binigay sakin ni Athena, mabilis din natapos ang klase. Tumayo si Athena dahilan para magsalita ako.
"Mag-iingat ka Athena." sabi ko habang siya ay ngumiti ng kaunti.
"magiging masaya din ako ginoo, rerespetuhin ko ang nararamdaman mo" ngumiti siya at lumabas ng classroom.
"alam muna ba ang anunsyo ng unibersidad?" bungad ni eva sa akin habang nasa canteen kami ng school.
"Meron tayong pagtitipon bukas dahil tapos na ang unang semestre, meron tayong pagdiriwang dahil nalagpasan natin ang unang semestre hindi kaba natutuwa?" usal ni nestor
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Fiction HistoriqueCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...