kabanata 24

13 2 1
                                    

"ginoong Condez, bat wala si binibining Athena?"







Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain, parang nabunutan ako ng isang malaking tinik nang tanungin ako ni Angelita. Nasa pilipinas na nga si Angelita at ginang Montecarlos at si Angelito. At malamang ay ayos na ang kasal nila doon.











"Masyadong maraming ginagawa ang binibini." sagot ko na lamang.













Pagtapos namin kumain ay agad akong nag-ayos dahil inutusan akong mamili ni mang tony nang mga kailangan sa tirahan. pinihit ko ang pintuan atska ako nagpaalam sa mga bata.












"Ako ay papasok na sa trabaho Condez. Maraming salamat sa pagbibili ng pangangailangan. Hindi 'kona maasikaso ang mga ito." Hininto ni mang tony ang kabayo.














"Ako na ho ang bahala ginoo, mag-iingat ho kayo at pakibalitaan na lamang ako." Usal ko. Bumaba ako ng kalesa.













habang buhat ko ang malaking basket ay naghahanap ako ng magagandang tekstura ng gulay, dahil naalala ko noon si Athena ang inutusan ni ginang Montecarlos sa pamamalengke. At ang dapat daw ay piliin ay ang magandang tekstura.








Kinuha ko ang isang pirasong kamatis, hinarap ko ito sa aking sarili at kinilatis. Napanguso ako nang hindi ko alam ang itsura ng magandang kamatis!










"Magandang tekstura ang nakuha mo hijo." Bungad ng isang matandang babae. "Pag naghahari ang burok na kulay ay magandang klase ng kamatis ito."











Tumangi ako, pulang-pula nga ang hawak ko ngayon. Nilagay ko iyon sa basket at pumili pa ng ibang gulay. naka krus ang mga braso ko habang tinitignan ang gulay.












"nasan ba ang misis mo bat ikaw ang namamalengke ginoo." tumawa siya ng bahagya.












"A-ahh ano po, wala po akong asawa. Wala nga ho akong kasintahan." kinamot ko ang sariling ulo. Binilisan ko ang pagpili ng gulay.













"Eh, sa wangis 'mong iyan walang magkakagusto sa iyo?" tumayo ang matandang babae at lumapis sa mukha ko!















Umatras ako ng bahagya dahil alam kong kinikilatis niya ako, wala na akong skin care mother! Kaya shut up. Huhu, nakalimutan ko na din mag skin care sa mundong ito. Halos isang taon na ako dry na dry sa mundong 'to!












"hmm, hindi ko maaninag ang 'yong sarili. Pero mag-iingat ka. wag pa dalos-dalos." Tinapik niya ako sa braso. Iniwan niya akong nakatayo sa kinatatayuan ko.













Manghuhula ata si nanay. Nakatingin ako sa matanda, umiling ako nang maalala ang sinabi niya kanina. 'Mag-iingat ka. Wag pa dalos-dalos.'












"Condez?"










bumalik ako sa huwisyo nang may kumalabit sa akin. Si rose. Nakangiti akong humarap at umaktong walang nangyari. Ngayom ko lang ulet nakita ang babaeng 'to. baka.... dito ako pinag-iingat ng matandang babae. Psh. Hindi namn ata.











"Namimili lamang ako nang mga kailangan sa tirahan." tinuro ko ang mga gulay na pinamili ko.













HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now