See the Multimedia!
This is the students from UST college of Architecture 1935
----------
"Napakagaling mo talaga condez! nangunguna ang gawa mo!"
nandito kami ngayon sa display room ng mga architect, dito ako unang pinunta ni Athena habang naglilibot kami sa UST noon.
Nakatingin ako sa mga plates namin, masyado akong natutuwa dahil nangunguna ako habang si Athena ay nasa pangalawa!
"Napakagaling mo talaga ginoong condez." bungad ni Athena habang nakatingin sa mga plates na nakapaskil.
"magaling ka din Athena, pangalawa ka nga oh." sabi ko at tinuro ang ginawa niya.
"Inilathala ko lang sa aking gawa ang nararamdaman ko, ganyan ang gusto kong disenyo ng aking mansyon, at masaya kami ng mga anak ko magkakasama sa silid na iyan." usal niya at tumungin siya sa akin.
Ngumiti ako. Kami na lang pala ang naiwan dito kaya bumalik ako sa huwisyo at bumalik sa classroom, masyado ata akong nagandahan sa gawa ko choz.
"Antagal ng kalesa mukhang hindi pa titigil ang ulan." sabi ni Athena habang kami ay nakatingin sa ulan, nasa main building kami ng UST.
Ilang saglit pa ay may huminto na kalesa sa harapan namin at iniluwa nito ay si Angelito. "binibini baka magkasakit ka nanaman halina't sumabay kana sakin."
Tumingin sakin si Athena habang inaalalayan siya ni Angelito papaakyat sa kalesa.
"Ayos lang ako hihintayin kona lang ang kalesa natin" sambit ko at ngumiti siya at ganun din ako.
At nawala na sila sa paningin ko at nanatili padin ako sa kinatatayuan ko. umupo ako at umiling, wala si carlos dahil sumabay siya sa mga kaibigan niya. At si Athena sumabay sa prince charming niya grrrr! Para kong babaeng nagseselos! Ewww.
Ang tagal ko naghintay bago dumating ang kalesa, "paumanhin ginoong condez dahil ako ay nasiraan dahil sa lakas ng ulan."
"Ayos lang ho, maraming salamat umuwi na ho tayo." sabi ko at nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas ay makakauwi na din.
Hindi ko naman mapagalitan si manong dahil nakakaawa naman, mukhang pagod nadin siya! nakatingin lang ako sa labas habang pauwi kami.
Pagkauwi ko nakita ko si Athena sa kusina, at tanging siya lang ang nandon. "ginoo sa wakas, dumating kana." usal niya.
Umupo ako at inilahad niya ang baso ng kape sa harapan ko. ngumiti ako ng bahagya at ininom iyon.
"Ang ina ay tulog na habang si carlos naman ay gumagawa ng kanilang proyekto sa medisina." usal niya. hinigop niya ang kape bago tumingin sakin.
Ang awkward, lalo na ngayon na nagkakagusto ako sakanya habang siya ay alam ko na may gusto siya sakin.
"masaya ako na napunta ako dito marami akong natututunan athena." hinigop ko ang kape. nag kwentuhan na lang kami ni athena tungkol sa buhay ko sa bagong henerasyon.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...