kabanata 26

10 2 0
                                    

"Condez, tanghali na gumising kana."











sumalubong sa'kin ang sinag ng araw na nagmumula sa labas ng maliit na kubo na ito. tumayo mula sa kinahihigaan ko at naamoy ang niluluto ni Athena.










"Marunong ka'din pala magkayod ng kahoy upang makagawa ng isang apoy ginoo." Nakangiti siya habang humahalimuyak ang luto niya.












"Natutunan ko lang sa school yan dati 'no, ayaw na ayaw ko talaga ng ganyan!"












Nakakatuwa din pala ang mga nagyari sa'kim noon, nung nasa elementary palang ako, halatang halata na ang pagkamalambot ko kaya ayaw na ayaw ko umaatend ng boy scout dati!--- ew!















"Ito na ang niluto ko ginoo." usal niya at inilahad niya sa akin ang sinigang! Hindi ko alam na marunong na'din siya magluto nito!











"San ka nakakuha ng pambili ng sangkap?"












"Namalengke ako kaninang umaga ginoo, andito tayo sa bukid ng maharlika, dito sa maynila. Kabisado ko ang maynila kung kaya't wala ka dapat ipag-alala." Ngumiti siya at kumuha na'din ng pagkain.












"aalis din tayo dito, hindi nga natin alam kung kanino ang silid na ito." sabi ko habang ginagala ang sariling mga mata sa maliit na espasyo.

















"andyan lamang ang libro ginoo, kung nais mong......" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako.















"hindi kita iiwan. Ano ba ang sabi ko, isasama kita kung aalis ako sa mundong ito."

















"hindi ko maaari iwan ng basta ang ina lalo na't si carlos ay pwedeng mag asawa kahit anu mang oras." usal niya.














Alam kong napakalaki ng gampanin ng isang bunsong anak lalo na si Athena ay isang babae. Hindi maiwasan ang lahat ay sakanya iaasa. Naiintindiham ko siya.












"kukuha ako ng mga tanim mamaya upang may makaim tayo mamayang gabi." sabi niya habang nagtatahi ng damit dahil wala na siya maisusuot.










Nakonsensya ako ng malaki dahil kung hindi ko siya dinala dito ay maganda pa'din ang ginagawa niya ngayon. hindi ko
Ang maipagkaila ang pagmamahal ko sakanya.









"Aray!" halos mapaupo ako dahil kumirot ng malakas ang binti ko.











"Condez anong nangyari." agad niya akong inalalayan para humiga.












Nanatili akong nakahiga at hinayaang mamanhid ang kalowang binti. dahil ata ito sa hampas ng bakal mula kay Angelito nung dinala niya ako sa isang kulungan. nagpasalamat na lang ako dahil si mang tony ang tumulong sa'kin.












"si Angelito ang may gawa nito." usal ko habang nilalapat niya ang halamang gamot sa binti ko.










"ito pala ang ibig-sabihin ng nabasag kong baso kagabi ginoo. nasa panaganib pala ang buhay mo." usal niya,









"ayos naman ako Athena. Kailangan mo din ingatan ang sarili mo." Sambit ko.













Dumaan ang dapit hapon, at nanatili lang kami sa aming tinutuluyan, mahirap maging padalos-dalos dahil kahit anong oras ay malamang ay hinahanap na kami ng mga sibil. kahit nasa kamay ko na ang mahiwagang libro. hindi ko iiwan si Athena mula dito.















HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now