kabanata 7

19 5 0
                                    

See the multimedia!

This is the University of Santo Tomas Intramuros Campus







"kamusta ang kalagayan mo ginoo, naging maayos ba ang pagtuloy mo sa balay namin?" bungad ng nanay ni Athena habang nasa kalagitnaan kami ng tanghalian.






"mabuti naman po." tipid kong sabi dahil hindi ko alam ang sasabihin! hindi ako na inform edi sana nakikinig ako sa mga chika ni binibining villadolid samin jusko!


"mamayang hapon ay magsisimba tayo sa baclaran, at mamasyal tayo sa intramuros, upang makita ni ginoong condez ang kagandahan ng intramuros." Tumayo siya atska naman kinuba ng mga katulong ang pinagkainan niya.




"ngapala si ginang montecarlos ang nanay namin, pagpasensyahan muna at masyadong seryoso dahil simula ng namatay ang ama, naging ganyan na ang buhay niya." usal ni carlos.




"ginoo kunin ko lamang ang pinagkainan niyo." sabi ng isa sa mga katulong at nag bulungan. Sa gilid, narinig ko iyon dahil hindi naman kalayuan.


"Ang linis ng wangis ng ginoo,"

"wag ka lumikha ng ingay madam, nanggaling ata siya sa mayayamang angkan."

"Ang swerte ni binibining Athena. Siguradong mabuti ang puso ng ginoo."




"wag na kayo lumikha ng ingay diyaan, masyado kayong sabik sa ginoo na nasa harapan niyo!" sabi ni carlos at umiling.




tumayo siya at umakyat ng hagdanan, kami na lang ni Athena ang naiiwan dito, kaya tumayo ako at dumeretso ng kwarto. masyado ata akong naging maarte. kung hindi niya ako tinulungan siguradong patay na ko ngayon!




mabilis akong tumayo ng may kumakatok sa pinto, nakatulog pala ako. kinusot ko ang sariling mga mata at bumungad sakin ang katulong nila.



"binigay po ito ni ginoong carlos, at suotin niyo raw po ginoo. Paumanhin at naantala ko ata ang iyong pagtulog." sabi niya atska inilahad ang maliit na box.





sinarado ko ang pinto at umupo sa kama, kinikilig ako carlos ah! Charot! binuksan ko ang box at hinawakan ang binigay na barong sakin.





"taray ang mahal siguro nito" sabi ko habang suot-suot ito. mabilis din ako nakakakilos dito dahil walang ginagawa sa mga oras na ito. pumasok ang isa sa mga katulong nila Athena.





"ayusin ko lang po ang inyong buhok ginoo, inutos ng ginang montecarlos." sabi niya atska ako umupo at humarap sa salamin.






Taray ng mga yaya dito ha! may taga-ayos pa make-up artist yarn? mabilis niya itong inayos at hindi alam ang nilagay na pabango sa aking sarili, ang bango sobra!





"san galing yan?" sabi ko atska tinuro ang hawak niya.





"galing ito sa purong rosas ginoo, hindi niyo gusto ang amoy?" usal niya at nagulat ako! What? grabe sila lang din ang gumagawa ng sariling pabango nila.




"hindi, nagustuhan ko." ngiti ko.

"sina binibining Athena, ang gumagawa nito, ito ang libangan ng mag-ina."

"h-mmm maraming salamat susunod na lang ako sa baba" sabi niya atska umalis sa harapan ko.






Ang ayos ko tignan sa mga oras na ito! "himala hindi dugyot!" bulong ko atska tumawa ng bahagya. bumaba ako ng hagdanan at bumungad sakin ang kagandahan ni Athena. Nakangiti siya ngayon.





"sakto lamang ang ibinigay ko sayo ginoo." nawala ang paningin ko kay Athena nang magsalita si carlos.






"susan paki sabi na ihanda ang dalawang kalesa, salamat." Bungad ni ginang montecarlos dahilan para mawala ang tingin sakin ng mga katulong nila.




"Athena samahan mo si ginoong condez sa kabilang kalesa." usal ni carlos at sumakay kami doon.




hindi maipagkakaila na mayaman talaga sila Athena, masyado ko ata siyang minaliit sa bagong henerasyon! inilibot ko ang paningin ng magsalita si Athena,




"malapit na tayo." sabi niya.





"maganda pala dito no, atska hindi ko alam na mayaman ka." Pagpapatuloy ko.



"bago mawala si ama, maraming naiwan sa amin, kaya nagpapasalamat din kami." usal niya habang nakatingin sa kung saan,




"Pano ka nag-aaral dito." hindi ko maiwasang itanong.

"nung elementarya ay pumasok ako sa orpanahe ng letran." sambit niya. "at ngayong kolehiyo ay lumipat ako ng unibersidad ng santo tomas,"



grabe! ibig-sabihin nasa taon ako ng mga kastila ngayon! sa pagkakarinig ko, isang orphanage dati ang letran habang sa UST naman yung mga nag cocollege. And malamang nasa intramuros ngayon ang UST! excited ako!




"andito na tayo." Usal ni Athena dahilan para bumalik ako sa huwisyo, bumaba ako ag inilalayan siya. ngumiti siya.




Pagbaba namin ay agad siyang bumitaw, hindi ko alam kung baket.





"bawal makita ang lalake atska babae na magkahawak ang mga palad na wala pang pahintulot ng pari, dapat ikasal muna ang dalawa." usal niya at binuksan ang pamaypay.




"Ewwww, alam muna man na bakla ako! atska ang taray mo dito ha may pamaypay kapa" sabi ko at tumawa siya.





"mainit at masyadong mausok sa gawing ito ginoo haha." sabi niya at pumasok kami sa simbahan ng baclaran.







Grabe walang pinagbago to! ganun padin ang itsura, masyado ako namangha sa mga nakita ko, at hindi namalayan na tapos na ang misa.







"Athena, kayo na lamang ang pumunta sa intramuros habang kami ni carlos ay uuwi na. Ingatan mo ang ginoo." sabi ni ginang carlos at umalis ang sariling kalesa.








"Grabe! ang ganda ng UST!" usal ko habang nakatingala sa building ng ng UST ngayon! grabe namangha ako ng sobra.






"sa gawing ito ang unibersidad ang sa gawi naman na iyon ay ang fort santiago, pagabi naman na at hindi na masyadong maaraw kaya masarap maglakad sa gawing ito." sabi niya habang nasa tapat kami ng UST





pinahintulutan kami pumasok ng unibersidad kaya mas lalo akong na excite, bumungad sakin ang matataas na chandilier at matitibay na bato.





"Ito ang silid para sa mga arkitektura." usal niya at pumasok kami sa isang napakaraming painting at drawing.






sa mga oras na to naging tahimik ang bawat sulok dahil pinagmamasdan ko ang mga gawa ng mga estudyante.





"nais ng ina na ituloy mo ang pag-aaral ng arkitektura dito simula bukas." sabi ni Athena dahilan para ibalik ang mga libro. nasa library kami ngayon ng UST.



"hindi na kailangan Athena pagkabalik ko na lang sa henerasyon ko." sabi ko. may part saken na gusto ko, may part sakin na ayaw ko dahil napakalaking adjustment saken! Sobra!.




"handa ka naba pumasok bukas ginoo?" sambit ng ginang dahilan para ngumiti ako, hindi ko alam pero parang na eexcite ako.







"maraming salamat pero hindi ko po ata makipagsabayan ngayon." sabi ko.









"mabubuti ang tao sa unibersidad kaya hindi ka mahihirapan makipag-kaibigan, lalo na't ka silid mo si Athena." usal niya dahian para huminga ng malalim.











Wala na kong magagawa! Kailangan ko ng harapin to!

----------------------

HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now