"ginoong condez! gumising na kayo dahil mahuhuli ka sa klase!"
halos bumalikwas ako at mahulog sa kama nang marinig ang sigaw ni Angelita mula sa labas ng kwarto!. mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. umiling ako dahil mahuhuli nanaman ako sa klase!
Paglabas ko ay wala akong naabutan na kumakain sa kusina, malamang ay pumasok na ang mga bata! Umiling ako at mabilis na kumain ng agahan.
"paumanhin ginoo naging iwas kami nitong mga nakaraang araw dahil hindi kami makapaniwala na may pagtingin ka sa sarili mong kapatid." bungad ni nestor. Nasa canteen kami, naghahari padin ang bulungan pero wala na akong oras pakinggan ang mga iyon.
"hindi ko kapatid si Athena." usal ko.
"Ha?!" sabay silang dalawa at tumango ako ng bahagya.
"Mahabang kwento, paumanhin. Hindi ko agad sinabi sainyo." usal ko.
"Naging usap-usapan ka sa unibersidad dahil matagal ng may pagtingin si Angelito kay Athena." sambit ni eva.
"takot na takot lapitan ng mga ginoo si Athena noon dahil alam nila na mahal na niya ang ginoong Angelito." si nestor. Patuloy padin ako sa pagkain.
Baka totoo yung mga sinasabi niya. hindi niya talaga ako mahal.
"paano mo ba nakilala ang binibini, bakit labis ang pagkagusto mo" si eva. Tumayo na kami at lumabas na ng canteen. Papunta kami sa classroom.
"hindi ako nagmula sa mundong to." sabi ko at napahinto kami sa paglalakad.
"Anong ibig mong sabihin ginoo?" usal ni nestor. Bakas ang pagkagulat sakanilang dalawa.
"napadpad lamang ako sa mundong ito." usal ko at hinatak nila ako patungo sa damuhan.
"Paano? hindi ako naniniwala." Si nestor. "Wag mo sabihing?"
"Wag mo sabihing dahil sa mahiwagang libro na nakalagay sa silid aklatan ng unibersidad?" tanong ni eva habang nakaupo sa tbi ni nestor.
Alam nila ang tungkol sa librong iyon?
"Totoo nga talaga ang mga sabi-sabi noon!" Sabi nestor habang hinawakan ang pisngi ko. "Kaya pala napaka iha ng wangis mo!"
"Wag mo hawakan yung mukha ko! Pano niyo ba nalaman yung tungkol diyan?" sabi ko.
Tumingin muna sa magkabilang gilid si eva habang umayos sila ng upo.
"Noong dumadaan ang mga araw ko dito sa unibersidad, naging bukas ang usap-usapan sa libro na iyan." si eva. "Marami naging estudyante ng unibersidad na ito ang nalaman ang tungkol dito kaya pinagagawan nila ito hanggang sa lahat sila ay napunta sa bagong henerasyon at nawala ang libro.!"
What?! Kung ganon madami ng gumagamit ng libro na iyon! At malamang ay marami na ding napunta sa bagong henerasyon na galing dito,
"Malamang ay napulit ito ni Athena, dahil ang anunsyo sa amin ay hindi na mahanap ang libro kahit saan man. Ngayon lang namun nalaman na napulot pala ng binibini ang libro." sambit ni nestor.
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Historical FictionCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...