kabanata 8

19 5 0
                                    

See the Multimedia!

Entrance of the UST intramuros campus which today is known as the Arch of the Centuries










"ginoo mahuhuli na tayo sa klase magagalit ang ina! tumayo kana at mabilis na kumilos!"


halos lumaki ang mga mata ko nang marinig si Athena sa labas ng kwarto, kaya mabilis akong nag-ayos. kinuha ko ang mga gamit atska ako bumaba ng ilang palapag ng hagdanan at nadatnang kumakain ng almusal.







"nahuli ka sa pag-gising ginoo, kumain kana at ihahatid na kayo." usal ni ginang at nahiyang umupo at bahagyang kumain ng tinapay.









"bagay ang uniporme sa iyo, na ikwento sakin ni Athena na arkitektura din ang inaaral mo sa henerasyon ninyo" sambit ni carlos habang nakasuot ng kakaiba sa uniporme samin ni Athena.






"Medisina ang kinukuha ni kuya, nais ako ipasok ni ina doon ngunit tumuloy ako kung saan ang gusto ko." sabi sakin ni Athena habang nasa kalesa kaming tatlo.








"nais ng ama na gamutin mo siya kung kaya't sabi ng ina ay pumasok ka sa medisina" sabi ni carlos habang dala dala pa ang piraso ng tinapay.









mabilis kaming nakarating sa UST, bumaba ako atska inilalayan ni carlos si Athena, bumungad sakin ang mga nagpapasukang estudyante.








"wow" sabi ko habang nakikita ang mga babae na may buhat ng libro sa kanang braso habang ang mga libro ng lalake ay nasa kaliwang palad mukhang nagmamadali na sila dahil malapit na mag ala syete ng umaga






"Ako ay hihiwalay na, mauna na ako mahuhuli na tayo pare-parehas sa klase." sabi ni carlos at mabilis na nawala sa paningin namin.








Tumunog ng malakas ang kampana, at nandito kami ngayon sa loob ng classroom ni Athena.


"simula na ng klase." sabi ni Athena at pumasok ang prof namin sa sariling classroom namin.




"magandang umaga klase." malamig na tugon nito dahilan para tumayo ang mga estudyante, sumunod na lang ako at bumati.


"ako ang guro ninyo sa pilipino. ako si ginoong elyas. ilabas ang libro at ilagay sa ika-unang pahina." usal ni ginoong elyas.







mabilis na natapos ang klase niya at nagsimula ulet umingay ang apat na sulok ng kwarto. ganito din pala dito pag walang teacher puro chismis. Char.








"ikaw ba si ginoong condez?" sambit ng babae. Isa sa mga kaklase ko, inilahad niya ang kamay niya.








"oo, ano pangalan mo?" usal ko at inabot ang palad niya.









"Maria," ngiti niya. "bago ka lamang sa unibersidad? hindi ko nakikita ang wangis mo nuong unang taon ko dito."







"A-ahh yes! Este... oo" sabi ko "teka lang iiwanan nako ng kapatid ko eh!"







mabilis akong lumapit kay Athena. Papalabas ng classroom. Hindi man lang ako hinintay ng gaga.











"hindi mo man lang ako hinihintay!" sabi ko atska makita ang lalaking matipuno na katabi niya. gwapo den. Duhh.




"A-ahh nga pala ginoong angelito ito si ginoong Condez," pambabasag ng katahimikan ni Athena.




"magandang umaga ginoo, nais mo bang sumabay sa amin ni Athena?" sabi niya.






HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)Where stories live. Discover now