"Ginoong Condez gumising ka!"
Unti unti kong minulat ang sariling mga mata nang maaninag ko ang babaeng labis ang pagmamahal ko.
umiiyak siya at patuloy akong ginigising. Nanatili akong nakahilata sa mga braso niya. Hindi ko maalis ang sariling katawan sa mga bisig niya.
"binibini, Mananatili ka sa puso ko, tandaan mo mahal na mahal kita." Sambit ko habang naramdaman ang balang pinabulusong sakin.
"ginoo magsasama pa tayo pangako hindi kita iiwan"
"Ginoong uctalan! Natutulog kananaman sa klase ko?!"
halos bumalikwas ang sarili ko nang marinig ang isa sa pinaka ayaw ko marining na boses. Si ms.villadolid, teacher namin sa history.
"kung ayaw mo makinig sa klase ko, maari kanang lumabas sa silid na ito!" Sambit niya kinuha ang handbag ko atska tumayo.
"paumanhin madam kung ako ay nakakaistorbo sa iyong klase. pero mas naiistorbo mo po ang pagtulog ko!." ginagaya ko ang boses niya kaya nagsitawanan ang klase.
"Tumigil! Wala talaga kayong galang sa nakakatanda sainyo lalo kana uctalan!" Sambit nito.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Lumabas siya atska iniwan akong nakapako dito sa kinatatayuan ko. Bitch siya!
"Bakla ang tapang muna man, iiyak iyak pagdating ng kuhanan ng grades. haha" si jamie kaklase ko isa din sa mga kaibigan ko.
"Jusko siz, brokot moko sa ginagawa mo kanina parang magsasabunutan kayo ni baklang villadolid." Sabi naman ni aries kaklase ko isa din sa mga kaibigan ko.
"no gusto niya eh ayaw ko nga sa subject niya, masyadong nakakaantok jusko." sabi ko habang kami ay papunta sa page 1620.
Ilang beses nako muntikan ma dropped sa letranite code.history class namin., dahil lagi akong absent, at kung papasok man ako ay laging tulog.
Eto ang coffee shop dito sa loob ng letran. kung tatanungin niyo dito nako namuhay halos sa letran, simula kinder ba naman dito ako nag-aaral.
Pumasok kami at nagorder ng pare-parehas na kape, natatawa na lang ako lagi dahil gaya gaya tong mga kaibigan ko. Umupo kami at inilabas ang mga plates na hindi ko pa tapos hanggang ngayon.
"Ang sipag talaga ni bakla oh." Sambit na jamie habang nagkakalikot ng kung ano sa bag niya.
"Para makainom na, siz. Hindi ako makakampte habang umiinom tas hindi tapos na plates? No way." Sabi ko habang tinatapos ang final design.
"Ayan ba yung transferee dito sa letran?" sabi ni aries habang naka salung baba at nakatingin sa kung saan.
Inangat ko ang ulo para makita kung sino ang tinuturo ni aries. Pumasok ang babae. Matangkad atska may pagka morena. Nagtama ang paningin namin pero iniwas ko iyon.
Jusko kadireeeee!!! Ewwwwwww!!!!! Nako nako!!!!
"Okay class, before anything else. We have a transferee student. Come in." Sambit ni miss venediktura teacher namin sa major namin.
nahihiya siyang pumasok. At lumingon samin.
"ako si Athena. Athena montecarlos."
-----------------
YOU ARE READING
HANGGANG SA PAGBALIK (COMPLETED)
Narrativa StoricaCliff Condez Uctalan, isa sa mga matataray at malamyang lalake na imposible magkagusto sa isang babae. ngunit nang mabighani siya sa isang binibini na napadpad sa bagong henerasyon na si Athena Montecarlos Nagbago ang lahat. Lalo na ng dalhin siya...