CHAPTER 37!-With Him, Again.

17 2 0
                                    


___

"Doc Sally!!! I miss you!" madramang ani ko, bumisita kasi sya sa school namin. Napromote na din sya sa isang Hospital.

"I miss you more,Kyribabe." she said and hug me back, nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago kami nagchismissan.

"Kamusta ka na,Doc?" I asked, we sit on the bleachers.

"Eto, medyo tumataas na self confidence..Sana ikaw din." she said,I just smiled.Sana all

"Ikaw!? kamusta ka?" She asked, napatawa naman ako.

"Parang bumoblooming ka ah? may jowa ka na noh?--ops bawal pala." biglang bawi nya, tumawa ako and nodded. Lumaki mata nya,

"How?Why?When?Where?Time?Exact date?" sunod sunod na tanong nya,

"Kalma.Isa lang ako tapos andami mong tanong" sabi ko, hinampas nya naman ako.

"Joke lang wala pa..manliligaw meron" I said, at kwinento kung pano nangyaring pumayag si Daddy. Hinahampas nya ako sa sobrang kilig.

"Sana all kasi!" she said, tumawa nalang ako. After minutes of laughing sumeryoso sya. Yung mukha nya I mean.

"You know what...I have a new friend." panimula, sinenyasan ko syang mag patuloy sa sasabihin nya. "She have a patient na kaedad mo.He is a boy..And sadly, may sakit din na cancer kagaya mo...Maswerte ka kasi naagapan natin sayo..Sakanya, wala pang kasiguraduhan kung gagaling sya." she sadly looked at me. I feel bad to that person, ang hirap magkasakit. I hope he's doing fine.

Matapos makipagchikahan kay Doc Sally, I decided to go home. Sakto lang uwi ko sa bahay. At hindi na'ko nagulat ng andun si Kylle.

"Anak,how's your day?" Mom sweetly said, medyo.malaki na tyan ni Mommy. Nakakaexcite ngang mahawakan ang kapatid ko.

"Okay naman po,Mommy." I said and kiss her cheeks,

"Punta daw kayo ni Ace sa lugar na lagi nyong pinupuntahan,magbihis ka muna,ah?" bilin nya tumango naman ako. Tinapik ko balikat ni Kylle bago nag bihis. Pagpasok sa kwarto ko. Hinanap ko ang over sized t-shirt ko at pajama. Dito lang naman kami sa baranggay kaya pwede na yang isuot. Matapos mag hugas at magpalit,lumabas nako.

"Ang tagal mo,pinag hihintay mo yang si Ace.Ikaw talaga!" Pagalit sakin ni,Mom. Ace tawag nya kay Kyllie. Psh!

"Natural babae ako,Mom.Duh!" pang aaway ko sakanya. Nakarinig kami ng pamilyar na yabag papalapit kung nasan kami.

"Daddy!" magiliw na ani ko. "Punta po muna kami ni Kylle sa pinuntahan natin nila Mom nung anniversary nyo po ah?" paalam ko, matalim nyang tinignan si Kyllie, at kinausap gamit ang mata nyang nananaksak ng tingin. Kylle nervously nodded as if he understand my Dad.

"Ingatan mo anak ko ah,malalagot ka sakin. No touch,okay?" bilin ni Daddy, I nodded. At lumabas na.

"Daddy, Dalhin ko bike ko, angkas nya nalang ako!" sigaw ko, napalabas naman sya ng wala sa oras.

"I said no touch!" striktong ani nya. Nag peace sign nalang ako, huminga sya ng malalim.

"Pasalamat ka, medyo lumuwag na'ko sayo. Ikaw! lalaki ka! ingatan mo anak ko ah?" sambit nito kay Kyllie, tumanga si Kylle.

"Yes,Tito...Papakasalan ko pa yan,eh?" he said, hahampasin na sana sya ni Dad ng pakunwari ng tinawag na sya ni Mommy. Dad and Mom waved their hand on us. I do the same.

"Ang lakas mo kay Dad,ah? sana all." biro ko sakanya.Tumaw naman sya.

"Lol...Kapit kana..tapos wag mo na'ko bitawan,ehe ehe!" gago, sya pa kinilig sa sarili nyang banat. Kaululan.

Reality Hit Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon