Kabanata 5

3.6K 82 0
                                    





"Doon ka na mag make Capri!"


Napabusangot ako sa sinabi ni mommy. Kaya wala akong nagawa kundi ilagay muna sa bag ko yung make ups ko at inilabas ang addidas slippers ko at yun muna ang sinuot ko. 


Sabado na and it's kallie's 9th birthday. Nagtext na si Art sa akin na nandoon na daw sila. Akala ko kami nalang yung hinihintay. Sadyang maaga lang talaga sila dumating doon. Hindi pa daw kasi nagsisimula yung kids party.


"Excited ka lang makita mga barkada mo mommy eh." I said to her, still pouting. She just chuckled at inilagay sa bag niya ang ibang gamit niya.


"Let her. Ganun ka din naman sa mga kaibigan mo." Daddy said and smirked at me. Isa pa tong si daddy nakakainis!


"Una na nga tayo kuya!" Sabi ko kay kuya at lumapit sa kanya. Kinawit ko yung kamay ko sa braso niya.


"Convoy nga tayo diba?" Kalmadong sabi ni mommy. I just rolled my eyes and waited for them to finish what they're doing.


30 minutes din yung byahe namin papunta kinila Tita Astrid. Nakasandal lang ako sa upuan dito sa sasakyan ni kuya at naka indian sit pa. Nakapatong din yung jacket ni kuya sa binti ko kasi nakikita yung tuhod ko.


Nakaramdam ako ng pagkaboring kaya kinuha ko yung iPad sa loob ng bag ko at nag Netflix. Kumakain din ako ng chocolate na kinuha ko pa sa ref namin kanina. Nanood lang ako buong byahe hanggang sa nakadating na kami.


Hinihintay pa ni kuya na makapark sila daddy bago siya nagpark. Rinig na rinig dito sa loob ng sasakyan ang music na nanggagaling sa bahay nila Tita Astrid.


Inayos muna namin ni kuya yung mga gamit namin bago bumaba. Bitbit ko din yung regalo ko para kay Kallie na nakabalot na. Sa toy kingdom pa namin to binili ni Art.


"Alia! You're here!" Tili ni Tita Astrid at nakipagyakapan pa kay mommy. Nagmano din kami ni kuya sa kanya.


"Of course! Bawal akong mawala sa special day ng inaanak ko! Saan na ba iyon?" Mommy answered at hinanap si Kallie.


"Busy sa pakikipaglaro! Eh kung gumawa kaya kayo ng sarili niyong Kallie?" Tita Astrid smirked and crossed her arms. Tinignan naman siya ni mommy ng masama.


"Ay oo nga pala. Two is enough." Tita said ang laughed. Napailing lang si mommy sa kanya.


"If gusto nong dalawa ng bago. Why not?" Daddy said. Sabay kaming lumingon ni kuya sa kanya at napangiwi bago umalis sa tabi nila.


I heared them all laughed. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeritso sa table kung saan sila Art at yung iba pang kaibigan namin. Si kuya naman dumeritso doon kinila kuya Archi and Archo, ate Ynes and kuya Xano. Younger brothers and sisters of my friends na ka batch lang din ni kuya.

Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon