"Te! 3 months ng nanliligaw sayo yung tao! Ano pa ba plano mo?"
Kalice said and throw a piece of fries at me. Andito kami ulit sa Jollibee at nananghalian. Mag vivikings sana kami pero ayaw nong tatlo. Sinabihan ko din na libre ko kaso hindi daw nila trip eh kaya nag Jollibee ulit kami.
"Ba't ba? I want to know him more." I said at sumubo ng spaghetti.
"Haler! You know him better na kaya so you say yes na sa kanya so that we can throw a party na." Eurika said napangiwi naman kami ni Shannon at Kalice.
"Don't you worry sasagutin ko naman talaga siya pero hindi pa ngayon." I said.
"Kailan pa? Kapag halloween na? Hindi party ang magaganap eh kundi pagsisindi ng kandila." Sabi ni Shannon na ikinabusangot ko.
"Ikaw ba nililigawan te? Kung maka desisyon to! Ikaw nalang kaya maging ako?" I said. Napakamot naman sa ulo si Eurika.
"Swerte mo naman kung maging isang Caprize Zen ka pero sa ugali pa lang sablay na!" Shannon said. Natawa kami sa sinabi niya. Napabusangot nalang si Eurika at hindi na nagsalita pa.
After we ate bumalik na kami sa BMSU. 1 hour lang ang practice namin sa dance troupe ngayon so mamaya may papasukan pa akong dalawang subject. Presly texted me earlier na susunduin niya ako sa last building ko mamaya.
Thursday ngayon kaya naka civilian kami. Iniwan ko kanina sa locker ko yung extra na damit ko. I'm on my way now to get it. I was about to turn in the locker room's direction nang may nakitang mga familiar na tao doon.
Nang makilala yun agad akong nagtago sa pader at bahagya kong sinilip sila Brice at Kenzie. Nakaigting ang panga ni Brice habang mangiyak-ngiyak naman si Kenzie na nakatingala sa kanya.
"You're really a whore huh?" I heared Brice said. Napalunok naman si Kenzie.
"Ano na naman ba Brice?" Nanginginig ang boses na tanong ni Kenzie.
"After the guy from engineering nasa Architect ka na naman? Iba ka din eh no?"
"Hindi ko alam yang sinasabi mo."
"Maang-maangan ka pa eh malan-" Napatakip ako sa bibig nang biglang sampalin ni Kenzie si Brice.
"Oo malandi ako! Oo iba-iba ang lalaki ko! Oo katawan lang nila ang habol ko! Oo na!Marumi akong babae diyan sa utak at mata mo! Ano?! Masaya ka na? Ito na oh! Inamin ko na! Kaya pwede ba?! Tama na! Ayoko na! Parang awa mo na! Iniiwasan na nga kita kasi yun naman gusto mo diba? Nilayuan kita kasi nga ayaw mong nakakakita ng babaeng malandi diba? Kaya please kung ayaw mo akong makita layuan mo na din ako! Pakiusap." Umiiyak na sigaw ni Kenzie.
Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Brice at naglakad na habang nagpupunas ng luha niya. Napatago ulit ako sa pader.
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Teen Fiction[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...