Kabanata 22

2.5K 51 3
                                    




"Ayoko na!"


Sigaw ni Kalice at ginulo pa ang buhok niya. Nakaupo kami ngayon sa sementadong upuan at nag r-review. Exam na namin next week kaya panay ang review namin kapag nagkikita kami nitong tatlo. After the exam christmas break na namin.


"Isang subject pa nga lang na r-review mo!" Sabi sa kanya ni Shannon.


"Ang hirap kaya!" Kalice replied and pouted.


"Ang sabihin mo! Tamad ka!" Dagdag ni Eurika at binatukan si Kalice gamit ang libro na hawak niya. Bumusangot si Kalice at inirapan muna si Eurika bago mag basa ulit.


"Si Art yun diba?" Nakakunot ang noo na tanong ni Eurika at nakatingin sa likuran namin ni Shannon kaya lumingon kami doon.


Art is with Dazz. Tumatawa siya habang si Dazz naman nakangiti lang sa kanya. Dala-dala din ni Dazz yung bag niya at may hawak na makapal na libro sa isang kamay niya. Aba! Ginawa atang alalay ni Art ito eh.


"Sino yang kasama niya?" Tanong din ni Shannon.


"Si Dazz friend niya daw." Nakangising sabi ko at nakatingin pa din kinila Art.


"Sigawan natin ng sana all." Natatawang sabi ni Kalice .Nag sitanggohan naman kami at nagbilang pa si Shannon bago kami sumigaw.


"Sana all!" Sigaw namin kaya nagsitinginan ang mga students sa amin at isa na doon sila Dazz at Art.


Nanlalaki ang mga mata ni Art na nakatingin sa amin at nakaawang pa ang bibig. Agad niyang inagaw ang bag niya kay Dazz at hinatak ang braso nito papaalis sa kanilang pwesto. Tawa naman kami ng tawa nong tatlo.


"Nakakainggit! Kami nalang ni Eurika ang walang lovelife. Si Capri may Presly, si Art may Dazz tapos si Shannon may Tyrus." Sabi ni Kalice pero agad namang natawa nang bigla siyang abotin ni Shannon at pinagpapalo.


"No fucking way na magkakagusto ako sa Tyrus na yun!" Naiinis na sabi ni Shannon habang pinagpapalo si Kalice.


"Baka kainin mo yang mga pinagsasabi mo Anson." Natigilan si Shannon at sabay-sabay kaming lumingon sa gilid namin. Nakita namin si Tyrus na kasama yung mga kaibigan niya. Nakangisi siya kay Shannon at nakapamulsa pa.


"Who you?!" Masungit na sabi ni Shannon. She crossed her arms and looked away.


"Mapapangasawa mo." Tyrus answered and crossed his arms too.


"Woahh!" Sabay naming sigaw nong tatlo kasama na yung barkada ni Tyrus.


"Papatayin muna kita bago mangyari yun!" Naiinis na sabi ni Shannon at sinabunutan si Tyrus.


Ilang segundo din kaming nakatingin sa kanila bago namin inawat. Pinagtitinginan na kasi kami dito. Gulong-gulo na yung buhok ni Tyrus medyo napangiwi din dahil sinipa ni Shannon yung tiyan niya kanina. Talagang masakit yun kasi nakaheels si Shannon.

Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon